Ogie Alcasid (in photo) enjoyed shooting the musical comedy, I Do Bidoo Bidoo, with fellow singers, Gary Valenciano and Zsa Zsa Padilla. “Ang sarap e. Kasi si Gary at saka si Zsa Zsa nakakatrabaho ko lang sila sa mga concert. Sanay kami na nagkikita kami sa mga gigs. Working on a movie was even better because ang haba ng times naming tsumika. I never see them much because they are in ABS-CBN, I’m in GMA.”

 

Photo: Glen P. Sibonga

Showing pa lang sa June 6 ang Boy Pick-up The Movie ni Ogie Alcasid, pero may bago na naman siyang pelikulang tinatapos, ang I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila sa ilalim ng Unitel Productions.

Ayon nga kay Ogie, ito na yata ang pinakamalaki at pinakamahirap na pelikula na ginawa niya. Idagdag pa ang pagtampok sa pelikula ng mga kanta ng Pinoy music icon group na Apo Hiking Society.

“This is probably the biggest film I’ve ever done in terms of yung scope niya, the concept and the music. The music of Apo, you know, ang music ng buhay natin. Nakakatuwa, because ilang generations ang kasama namin dito.

“And finally, the music of Apo ay nasa pelikula na at nabibigyan ng ibang flavor dahil may istorya at hindi mo naman matatawaran ang mga artistang gaganap, di ba?

"Sina Gary Valenciano, Eugene Domingo, Zsa Zsa Padilla at Jaime Fabregas. Nandiyan din sina Sam Concepcion at Tippy dos Santos.

“Medyo natagalan kami sa pagsu-shooting nito kasi ang hirap naming pagsama-samahin. It wasn’t easy, it was never easy because shooting a musical is one of the hardest things talaga,” mahabang pahayag ni Ogie nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng I Do Bidoo Bidoo.

Nakadagdag ba sa hirap yung may iba pa siyang pelikulang ginagawa, bukod pa sa maraming TV shows niya sa GMA-7 kung saan gumaganap siya ng iba’t ibang characters?

“Hindi naman. Sanay na ako na iba-iba ako e. Babae ako, minsan lalaki, bading, sanay na akong ganun.

"It’s never hard. In fact, it’s always exciting. Mahirap lang kasi nung summer, kainitan tapos nagsu-shooting ka.

"Yun lang ang medyo konting discomfort. Otherwise, I really enjoy doing this movie.”

APO’S BLESSING. Nagkausap ba sila ng mga miyembro ng Apo Hiking Society na sina Jim Paredes, Danny Javier at Buboy Garovillo bago sila nagsimula ng shooting?

“Nakita ko si Jim Paredes before we started. Nag-text pa nga siya sa akin.

"Sa sobrang excitement niya parang gusto na niyang ibalita sa akin na may project. Sabi ko sa kanya, 'Alam ko na yung project.'

"He’s so excited, and I’m sure the rest of Apo is excited about the project. It feels great na kumbaga may blessing ng Apo itong movie na ito.”

May alam ba siya kung magkano ang ibinayad sa Apo para magamit ang mga kanta nila sa movie?