Agot Isidro has shown her penchant for performing through her previous commitments in the arts. She has done theater, music, and movies, and now acting for television. She thought she is not meant for soaps until Marina: “Kaya ko naman pala and that paved the way for me to get good roles on television series.”  

Photo: Noel Orsal

Overwhelmed si Agot Isidro sa magandang pagtanggap sa kanya sa GMA-7 pagkatapos niyang pumirma ng two-year contract dito.

Pormal siyang ipinakilala bilang isang Kapuso sa Party Pilipinas noong Linggo, June 3. Pagkatapos nito ay dumiretso siya sa kanyang live interview sa Showbiz Central para i-promote in advance ang una niyang primetime series sa GMA-7, ang One True Love.


TOGETHER AGAIN. Sa naging kuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Agot, inamin niya na kinailangan niyang mag-adjust sa kanyang bagong work environment.

Sa loob kasi ng 20 years ay kilala na niya ang lahat ng mga taong nakatrabaho niya sa ABS-CBN, kaya challenge para sa kanya to get to know the new people she will be working with on GMA-7.

Pero ayon sa singer-actress, “I’m very open to change naman. It’s one of the reasons why I accepted this offer from GMA-7.

“It’s something new and it will definitely challenge me.

“Natutuwa lang ako because there are people here in GMA-7 na matagal ko na rin nakatrabaho noon. Dito lang pala ulit kami magkikita.

"So it’s meeting new people and reuniting with old friends as well.

“'Tulad nga sa ginawang feature ng Showbiz Central for me, it’s so nice to see Kuya Ipe [Phillip Salvador] and Ricky Davao sa VTR.

“Si Kuya Ipe kasi was the first big actor I worked with sa first movie ko na Masahol Pa Sa Hayop.

“I was shocked then when I learned na siya pala ang pumili sa akin para sa role ko doon.

“Si Rickynaman, I’ve worked with him the longest because of Oka Tokat.

“He was my partner there and at the same time, director namin siya.

"I hope na makatrabaho ko ulit sila kahit sa TV lang.

“So far, the experience is, what I can say is, overwhelming. Hindi ko inaasahan ang ganitong treatment.

“Parang ang bilis kong maging at home sa bago kong tahanan,” nakangiti niyang saad.