Agot Isidro surprised how fast she became at home with Kapuso network

Agot Isidro has shown her penchant for performing through her previous commitments in the arts. She has done theater, music, and movies, and now acting for television. She thought she is not meant for soaps until Marina: “Kaya ko naman pala and that paved the way for me to get good roles on television series.”


Overwhelmed si Agot Isidro sa magandang pagtanggap sa kanya sa GMA-7 pagkatapos niyang pumirma ng two-year contract dito.

Pormal siyang ipinakilala bilang isang Kapuso sa Party Pilipinas noong Linggo, June 3. Pagkatapos nito ay dumiretso siya sa kanyang live interview sa Showbiz Central para i-promote in advance ang una niyang primetime series sa GMA-7, ang One True Love.


TOGETHER AGAIN. Sa naging kuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Agot, inamin niya na kinailangan niyang mag-adjust sa kanyang bagong work environment.

Sa loob kasi ng 20 years ay kilala na niya ang lahat ng mga taong nakatrabaho niya sa ABS-CBN, kaya challenge para sa kanya to get to know the new people she will be working with on GMA-7.

Pero ayon sa singer-actress, “I’m very open to change naman. It’s one of the reasons why I accepted this offer from GMA-7.

“It’s something new and it will definitely challenge me.

“Natutuwa lang ako because there are people here in GMA-7 na matagal ko na rin nakatrabaho noon. Dito lang pala ulit kami magkikita.

"So it’s meeting new people and reuniting with old friends as well.

“’Tulad nga sa ginawang feature ng Showbiz Central for me, it’s so nice to see Kuya Ipe [Phillip Salvador] and Ricky Davao sa VTR.

“Si Kuya Ipe kasi was the first big actor I worked with sa first movie ko na Masahol Pa Sa Hayop.

“I was shocked then when I learned na siya pala ang pumili sa akin para sa role ko doon.

“Si Rickynaman, I’ve worked with him the longest because of Oka Tokat.

“He was my partner there and at the same time, director namin siya.

"I hope na makatrabaho ko ulit sila kahit sa TV lang.

“So far, the experience is, what I can say is, overwhelming. Hindi ko inaasahan ang ganitong treatment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ang bilis kong maging at home sa bago kong tahanan,” nakangiti niyang saad.

Nakilala si Agot noong pumasok siya sa showbiz in 1992 as the “crush ng bayan” and the “Julia Roberts of the Philippines” when she tried TV hosting for the first time via ‘Sang Linggo nAPO Sila.

Na-extend iyon sa pagpasok niya sa iba’t ibang shows ’tulad ng Mana-Mana, Oki Doki Doc, at Oka Tokat.

PASSION FOR SINGING. Pero ang pagiging singer ang unang love ni Agot dahil for the longest time ay naging back-up singer siya for both Sharon Cuneta and Vilma Santos.

Naging hit ang unang album ni Agot titled Sa Isip Ko kunsaan galing ang hit singles na “Sa Isip Ko” at “Beginning Today.”

Nasundan pa iyon ng pitong albums.

Ani Agot, “Singing will always be my first love. It’s the reason why I got into showbiz in the first place.

“Hindi mawawala ang music sa buhay ko. I use music to motivate me for whatever role ang ginagawa ko on TV.

“Kung gusto kong umiyak, I just play a song na alam kong iiyak ako.

"Kung gusto kong happy ako, may music ako para diyan.”

DIFFERENT GENRE. Isa pang constant na ginagawa raw ni Agot ay ang reinvention sa kanyang sarili.

After a long time na pag-iwas sa paggawa ng drama series, napapayag siyang gumanap sa kanyang first drama series na Marina na pinagbidahan ni Claudine Barretto.

“For the longest time kasi, I was just doing sitcoms. Then medyo nahaluan ng konting drama yung Oka Tokat.

“I also did Star Drama Theater. Hanggang doon lang ang kaya ko.

“Feeling ko kasi, hindi ako soap actress. Baka hindi ko kayanin yung pressure sa paglabas sa mga drama series.

“Napapanood ko kasi before yung mga artista sa soap and they are really good.

“Pakiramdam ko ay hindi ako belong sa department na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But when I decided to do Marina, it opened a new whole thing for me.

“Kaya ko naman pala and that paved the way for me to get good roles on television series,” saad ni Agot.

MORE TV STINTS. Pagkatapos ng Marina ay nagkasunud-sunod na ang mga TV series na ginawa ni Agot.

Ilan sa mga ito ang sumusunod: Mga Anghel Na Walang Langit, Da Adventures of Pedro Penduko, Rounin, Lobo, Tayong Dalawa, Tanging Yaman, Idol, Agimat, Minsan Lang Kita Iibigin, 100 Days To Heaven, Nasaan Ka Elisa?, Walang Hanggan, at E-Boy.

Sabi ni Agot, “In every role naman na gawin, I make sure na iba siya from the last one I did. That’s how I challenge myself.

“I also get to discuss my role with my director and the writers. Ayoko kasing maulit yung nagawa ko na.

“Kailangan iba-iba para there’s something to be excited about sa gagawin ko.

“Even sa movies, kailangan magkaiba rin. Like what I did last year with Yesterday Today Tomorrow.

“Bago para akin iyon and I was able to portray a character na malayo sa totoong pagkatao ko.

“So giving me roles like that, doon mo mai-ignite yung fire sa loob mo.

“Yung hanggang saan ang kaya mong ibigay para mapabilib mo ang marami.”

NEW CHALLENGE. Sa bagong role ni Agot sa One True Love, muli na naman siyang na-challenge dahil sa role niya bilang si Marilou.

“Complex ang role ko sa One True Love.

“Maraming magaganap sa pagkatao niya that will eventually affect her relationship with other people.

“It’s something new kaya nandoon na naman ang thirst ko for challenge.

“It’s also a challenge for me working with new actors, like sina Louise delos Reyes and Alden Richards.

“Very promising ang mga dating nila and I’m lucky to be working with them kasi sila ang mga bida rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s also my first time to work with Jean Garcia.

“Matagal na kaming magkakilala, pero never pa pala kaming nagkasama sa isang TV show.

“Si Raymond [Bagatsing] naman, I’ve worked with him noon pa.

“Kaya it’s nice to be working with him after such a long time.”

BACK TO THEATER. Isa sa gusto ring balikan ni Agot ay ang muling pag-arte sa entablado.

Sinubukan niyang lumabas sa musical na Footloose noong 2005.

“It was something new for me then and hindi ko in-expect na magugustuhan ko.

“It was such an unforgettable experience for me and, hopefully, someday, I will be able to act on stage again,” asam niya.

HAPPY AGOT. Sa personal na buhay naman ni Agot, ang masasabi lang niya na siya ay masaya.

Hindi na raw kailangan pang pag-usapan ang mga nakaraan.

“As long as you have your family and friends beside you, nothing can go wrong.

“I am happy with my life now. I have a good career, lots of friends and a family who loves me.

“Plus my dogs! So tama na iyon for me,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN