Kris Bernal says possible relationship with Aljur Abrenica depends if the actor makes the first move. Yet she says, “Masaya na kami ng ganito, e, na friends kami, okay na kami ng ganito.”

Photo: Noel Orsal

Bukod sa masayang birthday party na inihanda ng GMA Artist Center para kay Kris Bernal, masaya ang young actress dahil naibalik ang kanyang nawawalang bag.

Noong Biyernes, Hunyo 1, ay nawala ang bag ng aktres nang dumalo ito sa party ng isang kaibigan.

Muling ikinuwento ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press noong Martes, Hunyo 5, sa Seventh High Club sa Global City, Taguig City ang naturang insidente.

“A, Friday ‘yon, pumunta ako sa party ng friend ko. 'Tapos nakasabit lang ‘yong bag ko, maliit lang kasi siya, e, sa upuan.

"Nasa likod ko lang. Kita ko naman sa silhouette ko, nakikipagkwentuhan lang ako, nagsi-CR ako.

“One time, pagkita ko na lang, kukunin ko ‘yong phone ko, nawala na.

“Ang bilis, kasi maraming tao, e. Sanay siguro...

"I don’t know, kasi from time to time naman, I check my phone, pero talagang pag[talikod] ko nawala na lang.”

Ngunit ang magandang balita naman daw ay "naibalik" ‘yong bag, na nagulat ako kasi hindi ko na inaasahan, e.

Sabi ni Kris, “Wala akong information, wala akong alam, hindi ko siya kilala, hindi ko alam ‘yong mukha niya, hindi ko po alam, nagulat na lang ako binalik.”

Gayunman, nang ibalik ang naturang bag ay nawawala na ang isa niyang cell phone at ang wallet na ibinigay sa kanya ni Aljur Abrenica.

NEW PROJECT. Nabanggit na rin lang si Aljur, magkakaroon ng bagong show ang dalawa kasama si Rhian Ramos—ang Sana Dalawa Ang Puso Ko.

Huling nagkasama sina Kris at Aljur sa primetime soap opera na Machete (2011).

“Nae-excite din ako,” pag-amin ng Kapuso actress.

“Kasi alam ko na marami na rin naghahanap sa Twitter, marami na rin nagtatanong sa akin tungkol kay Aljur na mga fans namin, excited na rin ako.