Kylie Padilla and Aljur Abrenica finally admit their relationship has ended

“Kung ano man yung friendship namin ni Aljur, special na yun. Kung may dumating man na iba na special din, okay. Pero ayoko ko mag-promise dun sa mga manliligaw na may pag-asa sila, ha? Basta sa ngayon, wala muna,” says Kylie Padilla.


Hindi man inamin nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla ang tunay nilang relasyon, inamin naman nila ngayon na wala na sila.

Kinumpirma rin ito ng ilang taong malapit sa dalawang Kapuso starts.

Ayon sa reliable source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi na raw nagkikita o nag-uusap ang dalawa.

Binabantayan na lang daw si Kylie para hindi na ito makipagkita kay Aljur.

Nang makausap ng PEP si Kylie, consistent pa rin ang pahayag nito na magkaibigan lang daw talaga sila ni Aljur.

Hindi na idinetalye ng young actress kung paano nila tinapos ni Aljur ang kung anong relasyon meron sila.

Sabi niya lang sa PEP, “Siyempre nag-usap. Maayos ang usapan, e, yun lang muna.

“Nagkausap naman minsan, pero hindi na masyado nagkikita.”

VACATION IN AUSTRALIA. Ngayong tapos na ang taping niya sa The Good Daughter, pinaghahandaan na lang daw ni Kylie ang kanyang bakasyon sa Australia.

Baka magtagal daw siya roon ng halos isang buwan.

Pagbalik dito ay baka makasama raw niya ang mga kapatid niya at ang kanyang mommy na si Liezl Sicangco, para dito naman magbakasyon.

Pagbalik daw niya galing bakasyon ay gusto raw niyang mag-concentrate agad sa trabaho.

“Gusto ko isang matinding back to work na,” sabi ni Kylie.

Pagdating sa lovelife ay hindi na raw niya iniisip ito, pero nagpahayag ang dalaga na open siya sa mga gustong manligaw.

“Wala na po sa isip ko yun, e. I don’t know…” sandali siyang natahimik at hindi na nito itinuloy ang gusto niyang sabihin.

Dagdag niya, “Kung ano man yung friendship namin ni Aljur, special na yun.

“Kung may dumating man na iba na special din, okay.

“Pero ayoko ko mag-promise dun sa mga manliligaw na may pag-asa sila, ha?

“Basta sa ngayon, wala muna.”

STILL MOVING ON. Kinuhanan din ng PEP ng reaksiyon si Aljur kaugnay ng mga pahayag ni Kylie, pero tipid din ang sagot nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat kinumpirma niyang wala na sila ni Kylie, hindi na siya nag-react sa pahayag ng young actress na open na ito sa mga gustong manligaw.

“Ayoko muna magsalita, kasi nasa moving-on stage pa rin ako,” makahulugang sabi ni Aljur sa PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN