Maxene Magalona on relationships: "I can very well say na I’m a very relationship-oriented person, e. I value the people in my life very, very much. That’s why ang motto ko talaga, okay lang ako ang masaktan, huwag lang ako ang mananakit.”

Photo: Noel Orsal

Limang buwan na palang walang boyfriend ang Kapuso actress na si Maxene Magalona.

Ang businessman at professional poker player na si Neil Arce ang huli niyang naging boyfriend. Kaya ine-enjoy daw ni Maxene ang pagiging single niya.

Sa tingin din niya, ito rin ang makapagpapasaya sa yumao niyang ama at King of Rap na si Francis Magalona.

Sabi ni Maxene, “I think it would make him happy to see me stand on my own without a boyfriend.

“Kasi lagi akong may boyfriend, e. Pero ngayon, wala talaga.

“Five months na akong walang boyfriend and this is the longest that I’ve been single.

“And hindi ko sinasabing kailangan ko ng boyfriend.

“Kasi ngayon, I can tell na I can do it without a boyfriend. And I enjoy my single life.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene sa presscon ng bagong afternoon soap ng GMA-7, ang Faithfully, na ginanap kagabi, June 11, sa Studio 7 ng GMA Network.

Ipinagmamalaki nga ni Maxene na wala siyang boyfriend nang simulan niyang gawin ang Faithfully, na mapapanood na simula sa June 18 sa GMA Afternoon Prime.

Aniya, “This is the first time I’m doing a show without a boyfriend. Yes, lahat ng shows ko dati, aba, lagi akong may boyfriend!

“So, ngayon lang ako naging single ng ganito katagal and I’m really loving it.”

Ano ang na-prove niya sa sarili niya?

“Na-prove ko na… kasi hindi naman ako nagbo-boyfriend dati dahil kailangan ko, e.

“Nagbo-boyfriend ako kasi lagi akong nilalapitan ng mga [boys]… gusto mo yun? Hindi, joke lang.