Maxene Magalona opens up about her breakup with Neil Arce: "It’s just not meant to be."

Maxene Magalona on relationships: "I can very well say na I’m a very relationship-oriented person, e. I value the people in my life very, very much. That’s why ang motto ko talaga, okay lang ako ang masaktan, huwag lang ako ang mananakit.”


Limang buwan na palang walang boyfriend ang Kapuso actress na si Maxene Magalona.

Ang businessman at professional poker player na si Neil Arce ang huli niyang naging boyfriend. Kaya ine-enjoy daw ni Maxene ang pagiging single niya.

Sa tingin din niya, ito rin ang makapagpapasaya sa yumao niyang ama at King of Rap na si Francis Magalona.

Sabi ni Maxene, “I think it would make him happy to see me stand on my own without a boyfriend.

“Kasi lagi akong may boyfriend, e. Pero ngayon, wala talaga.

“Five months na akong walang boyfriend and this is the longest that I’ve been single.

“And hindi ko sinasabing kailangan ko ng boyfriend.

“Kasi ngayon, I can tell na I can do it without a boyfriend. And I enjoy my single life.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene sa presscon ng bagong afternoon soap ng GMA-7, ang Faithfully, na ginanap kagabi, June 11, sa Studio 7 ng GMA Network.

Ipinagmamalaki nga ni Maxene na wala siyang boyfriend nang simulan niyang gawin ang Faithfully, na mapapanood na simula sa June 18 sa GMA Afternoon Prime.

Aniya, “This is the first time I’m doing a show without a boyfriend. Yes, lahat ng shows ko dati, aba, lagi akong may boyfriend!

“So, ngayon lang ako naging single ng ganito katagal and I’m really loving it.”

Ano ang na-prove niya sa sarili niya?

“Na-prove ko na… kasi hindi naman ako nagbo-boyfriend dati dahil kailangan ko, e.

“Nagbo-boyfriend ako kasi lagi akong nilalapitan ng mga [boys]… gusto mo yun? Hindi, joke lang.

“Lagi akong may boyfriend before kasi I enjoy taking care of someone. I enjoy being with someone, holding his hand, ganyan.

“I’m a sucker for anything romantic kasi. I’m a hopeless romantic.

“So, the only reason na lagi akong may boyfriend is because enjoy lang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not something that I need but it’s something that I want and enjoy.

“Pero this time around, gusto kong i-try maging single for a long time kasi I wanna do more with my career, siyempre.

“Focus on myself, make new friends, meet new people. So, yun,” saad ng Kapuso young actress.

Pero may mga umaaligid bang boys at sumusubok manligaw sa kanya ngayon?

“Aba, imposible namang wala,” biro ni Maxene sabay tawa nang malakas.

“Hindi, hindi. Actually, I was never the type to assume na, ‘Ay, nanliligaw iyan. Ay, may gusto sa akin iyan.’

“May mga nagte-text. May mga nakikilala ako.

“But I don’t… I think no one has really the courage to.

“Meron din namang mga iba pero ang laging desisyon niyan will always end up with the girl.

“So, kahit may mga umaaligid ngayon, syempre desisyon ko pa rin na huwag na lang muna because enjoy ako, e.”

EX-BOYFRIEND. Ang huling soap na ginawa ni Maxene sa GMA-7 ay ang Pahiram ng Isang Ina noong isang taon.

Ang boyfriend pa niya noon ay si Neil Arce. Tumagal ang relasyon nila ng isang taon at tatlong buwan.

Sa nakikita at nababalitaan ng mga tao sa relasyon nila ay masaya naman sila. Kaya marami ang nagtaka kung bakit bigla na lang silang naghiwalay.

Paliwanag ni Maxene dito, “Kasi I was never really vocal about it, yung relationship.

“Umamin ako, yes, we’re dating. But every time I talk about my personal life, hindi naman ako yung sobrang ‘Oo nga ganito, ganyan. Nag-away kami about this.’

"I’m very private pa rin.

“Even in Twitter, hindi ako nagsabi na malungkot ako during that time. Kasi magpa-five months na kaming break, e.

"And this is the longest I’ve been single in my entire life since nung una akong nagka-boyfriend.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano nga ba ang dahilan bakit sila naghiwalay?

“This I can say for sure, there was no third party. And what happened was it wasn’t meant to be.

"That’s all I can say. It’s just not meant to be.

"Because kami ni Neil, masyado kaming pareho.

"Actually, what I’ve learned from my past relationships and from the recent one, what I’ve learned is no matter how the same you are or no matter how different, if you wanna make it work, it will, di ba?

“So, for me, Neil and I we were trying to make it work but in the end, napagod na rin kami.

"But now we’re friends. When we see each other, hi, hello.

"He texts me once in a while. He calls once in a while. Okay naman kami.”

Kung magkaibigan pa rin sila, ano ang naging reaksiyon niya nung ma-involve ang pangalan ni Neil sa diumano’y mga nambugbog kay Albie Casiño?

“Naku no, ayoko na lang mag-comment diyan," iwas ni Maxene.

"Basta hindi ko alam, wala ako doon. So, I wouldn’t know what to say about that.

"But yun, basta kami ni Neil, we’re friends, we’re okay.

"We just want to be mature about it. Tama na yung high school, graduate na tayo riyan.

"Dati kasi ganyan ako na magpaparinig-parinig kung anu-ano.

"Now, what I learned is just to keep quiet. Less talk, less mistakes.”

Pero sa pagkakakilala niya kay Neil, hindi ba ito yung bayolenteng tao na mambubugbog ng iba?

“Hindi ko alam, but sa akin, hindi siya ganun.

"And yung pakikitungo niya sa akin, hindi siya ganun. So, I wouldn’t know.”

CONTENDER FOR QUEEN OF AFTERNOON SOAPS. Hindi man isinasara ni Maxene ang puso niya sa pagkakaroon ng lovelife, hindi muna ito ang focus niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas gusto niyang bigyan ng atensiyon ang kanyang showbiz career lalo na’t may bago siyang afternoon soap, ang Faithfully, directed by Mike Tuviera.

Dahil nga mas madalas siyang mapanood at maging bida sa afternoon soap, may mga nagsasabing puwede na raw siyang maging contender para maging Queen of Afternoon Soaps, lalo pa’t pawang mga toprater din naman ang nagawa niyang shows in the past.

Ano ang masasabi ni Maxene dito?

“Siyempre, I’m very thankful sa GMA for always giving me show sa afternoon prime slot. Suki na talaga ako dito kaya I love it.

"I’m enjoying every show that I do for GMA Afternoon Prime.

"Actually, every time I do a show hindi ko naman talaga ine-expect na laging mataas yung ratings.

"I always just do my best. And I had fun, that’s the most important thing.

"Mahirap yung trabaho, pero enjoy ka na lang. And then later on, you will be blessed for the hard work you always do.”

BEING FAITHFUL. Nauna na niyang sinabi na ang pagiging faithful ay hindi lang sa mga taong may relasyon kundi maging sa pamilya rin.

Gaano siya ka-faithful sa pamilya niya?

“Sobrang faithful ako sa family ko na talagang I will do anything and everything for them. And family always comes first.

"But I do admit na may times na I take them for granted.

"Siyempre I know they will always be there, pero minsan I don’t get to spend time with them.

"And the times I don’t spend with them, after a while, siyempre I regret it.

"Kaya ngayon, I always see to it na I make time for my family.”

Gaano naman siya ka-faithful sa nagiging boyfriend niya?

“I’m always faithful. Never akong nag-cheat. I’m a one-man-woman.

"Kumbaga, when I have a boyfriend, I’m very loyal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And like there was a time na I had a boyfriend, a non-showbiz boyfriend, and then lahat ng ka-loveteam ko nagguguwapuhan—Cogie Domingo, Geoff Eigenmann, Richard Gutierrez, Wendell Ramos, Oyo Sotto... lahat iyan naging ka-loveteam ko.

"But I was behave and I was loyal to my boyfriend. Never akong nagloko, never akong nag-cheat.

"I can very well say na I’m a very relationship-oriented person, e. I value the people in my life very, very much.

"That’s why ang motto ko talaga, okay lang ako ang masaktan, huwag lang ako ang mananakit.”

Pero meron na bang nag-cheat sa kanyang past boyfriends?

Tumawa muna nang malakas si Maxene bago sumagot, “Tatawa na lang ako.

"I don’t want to go into details but siyempre dumarating talaga iyan.

"And I can say it didn’t work out because of that, but it made me a stronger person.

"That’s why I’m thankful it still happened.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN