The model turned actor is now being paired with Janine Gutierrez.

Photo: Noel Orsal

Matagal-tagal na rin mula nang pasukin ng model na si Benedict Campos ang showbiz.

Nauna siyang napanood sa GMA-7 primetime series na Grazilda (2010), kunsaan siya gumanap bilang Prince Charming. 

Pero pagkatapos nito, puro workshops na raw siya at nakikita rin paminsan-minsan sa ilang guest appearances.

Ngayon ay tila mas nagiging visible na siya, kasabay ng pagkakaroon niya ng dalawang shows sa Kapuso network—ang primetime series na Makapiling Kang Muli at ang bagong youth-oriented show na Together Forever.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benedict sa first taping day ng Together Forever noong Linggo, June 10, sa Sienna College.

Kuwento niya sa amin, “Noong 2011 po, puro guesting lang po ako. 

"Pinag-workshop, nag-theater din po ako sa Gantimpala—sa Noli Me Tangere.

“Actually, ang dami ko pong natutunan doon.”

ROCCO AND ALDEN. Less than two years pa lang si Benedict sa GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network.  

Halos kasabayan niya ang huling batch ng StarStruck, kunsaan nagmula ang ginu-groom ngayon ng GMA-7 na sina Rocco Nacino at Alden Richards.

Hindi ba siya nakakaramdaman ng pagkainip noong puro pagge-guest lang ang ginagawa niya?

“Hindi naman po," sagot ni Benedict.

"Medyo malungkot minsan na puro guesting at walang regular shows.

"Pero ngayon, napi-feel ko na worth it yung ginawa sa akin ng Artist Center na puro workshops at pinag-theater ako.

“Yung theater na yun, parang workshop na rin. Ang dami kong natutunan.