Homegrown talent Sam Concepcion just returned from a successful show in Indonesia, the same path that singer Christian Bautista took to go international. He describes his first experience: "Kasi, first time nila akong nakita doon and they [the studio spectators] were just too glad to see me."

Photo: File

Kababalik lang ni Sam Concepcion mula sa Indonesia for a show and a rare TV guest appearance nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo ng gabi, July 1, sa CCP Main Theater lobby.

Masayang ibinalita ni Sam sa PEP ang maganda niyang experience bilang Filipino singer na naimbitahang mag-perform sa programang Dahsyat Musik.

Isinasahimpapawid ang Dahsyat Musik sa RCTI Channel, isa sa mga top networks sa Indonesia.

"Parang ASAP nila, it's a morning show,” bungad ni Sam about the Indonesian musical-variety show.

"First time ko lang do'n and I feel very fortunate. Nagulat ako, sobra-sobra!

"Kasi, first time nila akong nakita doon and they [the studio spectators] were just too glad to see me.

"Nagkaroon ako ng show that evening. Sana maulit.”


PINOY IDOLS. Ang kapwa niya talent na mina-manage ng Stages outfit, si Christian Bautista, ay kilalang-kilala rin ng mga Indonesian fans kaya madalas din itong mag-perform doon.

"Oo naman. Sikat talaga siya doon,” pagmamalaki ni Sam about Christian.

"Ako, starting pa lang doon.

"Pareho kami [ni Christian]... sa Stages din siya, pero tingin ko, mas sikat pa rin siya. Iba pa rin siya."

Willing ba si Sam na mag-perform in a show sa Indonesia na kasama si Christian?

"Sa susunod siguro,” sagot ng singer-actor.


UPDATES. Ano pa ang mga kaabalahan ni Sam these days?

"Well, I'm recording a new album, with Universal Records,” aniya.

May plano mag-release ang Universal Records ng bago niyang album sa Indonesia.

Nalalapit na rin ang showing ng pelikulang pinagbibidahan ni Sam with Ogie Alcasid, Eugene Domingo, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, at  teen singer-theater actress na si Tippy Dos Santos—ang kanyang love interest sa pelikula.