Toni Gonzaga on her first movie with Vice Ganda: "First time namin ni Vice to work together. Actually, masaya ‘yong first few scenes na kinunan namin. Hindi nga namin makuna nang dire-diretso kasi hindi ko mapigil ‘yong pagtawa, e. Pero, uhm… this is one project na talagang I’m really excited. And I’m really looking forward sa mga shooting days.”

Photo: Allan Sancon

Daring ang dating ng backless na damit ni Toni Gonzaga sa The Buzz kahapon, July 8.

Tungkol nga dito ang unang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makakuwentuhan naming siya pagkatapos ng show.

“Na-inspire ako sa PBB Teen. Charos!” sabay tawa niya.

“Hindi naman. A… wala. E, plain lang kasi ‘yong damit ko sa harap. Para naman may konting sexy sa likod.”

Okey lang ba sa boyfriend niyang si Paul Soriano na magsuot siya ng medyo revealing na outfit?

“Wala si Direk, nasa Hong Kong. Kaya go ako nang go sa mga ganito!” tawa ulit ni Toni.

Pero dagdag niya, “Pagdating sa kung paano ako mag-damit, wala naman siyang sinasabi.”

PBB TEEN EDITION. Noong Sabado, July 7, ay ginanap ang Big Night ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4, kung saan itinanghal na Big Winner si Myrtle Sarrosa.

Si Toni ang main host ng programa.

Ano ang pakiramdam niya ngayong isang season na naman ng PBB ang natapos?

“Masaya. And siyempre, mami-miss namin. Kasi almost ten months tumakbo ang PBB—from the Unlimited hanggang PBB Teens.

“So naging part siya ng buhay ko. Halos isang taon ‘yon ng buhay ko.

“Nakakapagod pero fulfilling na masaya na… worth it.

“Worth it kasi kapag mahal mo naman ang trabaho, hindi naman siya nakakapagod,” pahayag niya.

Ngayong tapos na ang PBB, mababawasan ang work load ni Toni. Meron na naman siyang enough time para sa lovelife?