Toni Gonzaga’s movie with Vice Ganda finally pushes through

Toni Gonzaga on her first movie with Vice Ganda: "First time namin ni Vice to work together. Actually, masaya ‘yong first few scenes na kinunan namin. Hindi nga namin makuna nang dire-diretso kasi hindi ko mapigil ‘yong pagtawa, e. Pero, uhm… this is one project na talagang I’m really excited. And I’m really looking forward sa mga shooting days.”


Daring ang dating ng backless na damit ni Toni Gonzaga sa The Buzz kahapon, July 8.

Tungkol nga dito ang unang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makakuwentuhan naming siya pagkatapos ng show.

“Na-inspire ako sa PBB Teen. Charos!” sabay tawa niya.

“Hindi naman. A… wala. E, plain lang kasi ‘yong damit ko sa harap. Para naman may konting sexy sa likod.”

Okey lang ba sa boyfriend niyang si Paul Soriano na magsuot siya ng medyo revealing na outfit?

“Wala si Direk, nasa Hong Kong. Kaya go ako nang go sa mga ganito!” tawa ulit ni Toni.

Pero dagdag niya, “Pagdating sa kung paano ako mag-damit, wala naman siyang sinasabi.”

PBB TEEN EDITION. Noong Sabado, July 7, ay ginanap ang Big Night ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4, kung saan itinanghal na Big Winner si Myrtle Sarrosa.

Si Toni ang main host ng programa.

Ano ang pakiramdam niya ngayong isang season na naman ng PBB ang natapos?

“Masaya. And siyempre, mami-miss namin. Kasi almost ten months tumakbo ang PBB—from the Unlimited hanggang PBB Teens.

“So naging part siya ng buhay ko. Halos isang taon ‘yon ng buhay ko.

“Nakakapagod pero fulfilling na masaya na… worth it.

“Worth it kasi kapag mahal mo naman ang trabaho, hindi naman siya nakakapagod,” pahayag niya.

Ngayong tapos na ang PBB, mababawasan ang work load ni Toni. Meron na naman siyang enough time para sa lovelife?

“Lagi naman akong may time kahit gaano ako ka-busy, oo.

“Laging may nakalaang time. Para balance ang lahat,” sabay bungisngis niya.

MOVIE WITH VICE. Ngayong tapos na ang PBB Teen Edition, bukod sa ASAP 2012, ay magiging abala rin si Toni sa paggawa ng pelikula.

Aniya, “’Yong movie namin ni Vice Ganda, finally natuloy na.

“Sa ngayon, wala pang working title. Pero naka-two shooting days na kaming dalawa. So ang saya!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s under Star Cinema, oo. ‘Tapos si Wenn Deramas ang director namin.”

Sino ang leading man niya?

“Si Vice ang leading man ko!

“Kung paano ko siya naging leading man… secret! Basta ang saya-saya no’ng pelikula.

“And yes, first time namin ni Vice to work together.

“Actually, masaya ‘yong first few scenes na kinunan namin. Hindi nga namin makuna nang dire-diretso kasi hindi ko mapigil ‘yong pagtawa, e.

“Pero, uhm… this is one project na talagang I’m really excited. And I’m really looking forward sa mga shooting days.”

Kahit unang beses pa lang niyang pakikipagtrabaho kay Vice, kaagad-agad daw ay naging kumportable naman si Toni.

“Hindi ako na-tense o anuman no’ng first shooting day namin.

“Kaibigan ko naman si Vice, e, kaya wala naman. Ayokong isipin masyado ‘yong mga pressure.

“Basta ang iniisip ko na lang, mag-shooting. Gusto ko wala akong masyadong iniisip para enjoy lang.

“Si Direk Wenn naman, second time ko nang makatrabaho sa movie. Ano… masaya naman din.

“Masaya naman si Direk Wenn kasi ano, e… kapag kasama mo siya, parang… hindi lang on-cam ‘yong comedy kundi off-cam din may mga comedy na nagaganap.

“Kaya masaya. Relaxed.”

BOX-OFFICE. Ang pelikula ni Vice last year na Praybeyt Benjamin ang may hawak ngayon ng record bilang highest-grossing Filipino film of all-time. Hindi malayong mangyari na sa ginagawa nilang project ngayon ay maging phenomenal hit din sa takilya ang tambalan nina Toni at Vice.

Ano ang masasabi niya rito?

“Wow, siyempre, ‘yon ang ipinagdarasal natin. Iki-claim namin ‘yan dahil sa ‘yo!” sabay tawa ni Toni.

“Kapag nagdilang-anghel ka, ibu-blowout kita! Bibigyan kita ng bonggang-bonggang bonus!”

Dagdag niya, “October ito pinaplanong ipalabas ng Star Cinema. So meron pa kaming dalawang buwan pang mahigit para pagandahin at tapusin ang pelikula.”

May iba pa raw siyang mga projects na under negotiation sa ngayon. Pero hindi pa raw siya puwedeng magkuwento tungkol dito dahil nagmi-meeting pa lang daw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta TV shows. Sa ABS-CBN, oo.

“Kasi meron ako sa kontrata ko na teleserye. Pero hindi ko alam kung uunahin iyon o ‘yong isang TV show pa na nakaplano.”

Kung teleserye, ano kaya ang tema? Drama o comedy?

“Siguro something new na hindi ko pa nagagawa.

“‘Yong isang TV show naman, definitely ay isang nababagay at naaayon sa kaya kong gawin.”

Sa walang patid na projects niya, talagang payaman nang payaman ang isang Toni Gonzaga?

“Ipon nang ipon! Para sa ano… kinabukasan,” nakangiti niyang sabi.

Kapag pinagsama ang ipon nila ni Direk Paul, isang bonggang-bonggang future na siguro ang pagsasaluhan nila kapag nag-decide na silang pakasal?

“Ay naku po, dyusko… yes! In Jesus name, sana magkatotoo!” bulalas ni Toni.

THE BUZZ. Ang katapat na programa ng The Buzz, ang Showbiz Central ng GMA-7, ay mamamaalam na sa ere pagkatapos ng limang taon.

Siyempre pa, hindi maiwasang mahingan ng reaksiyon si Toni tungkol dito.

Aniya, “Kaka-dalawang taon ko pa lang sa The Buzz. The Buzz is an institution. Thirteen years na siya.

“And I’m just really happy na maging parte ng isang programa na katulad ng the Buzz, kaya masaya ako.

“It’s really an honor to be working with Tito Boy [Abunda] alongside Ate Charlene [Gonzalez].

“Kapag umabot na ako ng ten years sa The Buzz, puwede na akong magsalita.

“Pero sa ngayon, parang ano… I’m just grateful,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN