Nagdiwang ng kanyang 38th birthday si Diether Ocampo kasama ang kabataan sa isang youth center sa Manila noong July 17, dalawang araw bago ang kanyang aktuwal na kapanganakan.

Photo: Arniel C. Serato

Noong July 19 ang ika-38 na kaarawan ng aktor na si Diether Ocampo.

Pero bago pa man dumating ang araw na iyon, nagkaroon ng advance birthday celebration si Diet noong July 17, Martes, kasama ang ilang mga kabataan sa isang youth center sa Maynila.

Bakit niya naisipang doon muna magkaroon ng espesyal na salo-salo?

Sabi ni Diet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Noong nabisita ko ito noong isang beses, naipangako ko sa kanila na magiging regular yung pagbisita natin sa kanila para matingnan natin yung kalagayan nila, at makita naman natin na naging progressive yung takbo ng buhay nila.”

Paano niya nakilala ang mga taong nandun at parang naging malapit na siya sa mga ito?

Kuwento ng Kapamilya actor, “A, yung kaibigan ko kasi involved sa Virlanie Foundation, siya yung nagdala sa akin dito at simula noon, isa na ito sa mga sinusuporthan natin na organization dito na nagtataguyod ng mga kabataan—yung merong naging problema.

“Although, kahit mga petty crimes yung mga nagawa nila… maganda rin siyempre na nakikita mo na gusto nilang merong marating.

“Kami naman, parang mapakita mo lang sa kanila na they really matter, hindi yung sila yung mga nakakulong dito na parang walang nagmamalasakit.

“Marami actually yung nagmamalasakit sa kanila, kaya lang, dahil siyempre yung iba, parang merong stigma, natatakot pumunta dito.”

BIRTHDAY WISH. Ano ang wish niya sa kanyang kaarawan?

Tugon ni Diether, “Pangsarili, wala na naman akong mahihiling pa dahil siyempre, siguro, sana, marami pa akong magawang ganito.

“Na sana marami pa tayong matulungang mga kabataan. Maiayos yung mga kalagayan nila.

“Siyempre, yung wish ko talaga ay para dun sa mga kapus-palad na nagangailangan kasi galing po tayo diyan. Pinagdaanan ko rin yun.

“Sabi ko nga sa kanila, siguro naging mabait sa atin ang Diyos dahil sa mga pinagdaanan ko noong kabataan ko, malamang nakakasama ko ‘tong mga’ to.

“Ano lang talaga, maaga akong na-boldyak, and I’m very grateful na a lot of people helped and mentored me.