Andrea Torres never thought of giving up on her dream to become a more popular actress. But the 22-year-old Kapuso actress admits she almost gave herself a limit: “...sinabi ko naman sa sarili ko na kung twenty five, wala pa ring nangyayari, medyo mag-iisip na ako, na baka pinipilit ko na lang ang sarili ko. Pero ano, luckily naman, dumating naman siya.”

Photo: Nerisa Almo

Sulit ang paghihintay ng Kapuso talent na si Andrea Torres, dahil mahigit isang taon matapos niyang pumirma ng kontrata sa GMA Network ay mabibigyan na siya ng lead role.

Ito ay sa pamamagitan ng remake ng dating teleserye na Sana Ay Ikaw Na Nga, na magiging bagong teleserye sa hapon ng Kapuso network.

“Ang sarap ng feeling kasi pinaghirapan mo,” sabi ni Andrea nang tanungin siya ng media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tungkol sa bagong proyektong ito.

Nakausap si Andrea sa pocket presscon na ginanap kagabi, Agosto 14, sa GMA Network Center sa Quezon City.

Patuloy niya, “Iba 'yong ibinigay lang sa 'yo at iba 'yong ang tagal-tagal mo nang pinaghirapan.

"At saka ang dami ko nang pinagdaanan, talagang ups and downs.”

Bago niya makuha ang oportunidad na ito, gumanap muna si Andrea sa ilang supporting roles sa mga teleserye ng GMA, tulad ng Blusang Itim (2011) at My Beloved (2012). 

Bukod dito, isa rin siya sa mga naging regular hosts ng teen-oriented show noon na Ka-Blog (2008).

Para kay Andrea, tama lang na hindi siya nagsawa sa kanyang ginagawa kundi ay nawalan siya ng pagkakataong maging bida sa isang teleserye.

Dala na rin ito marahil ng kanyang hilig.

Kuwento ng 22-year-old Kapuso actress, “Gusto ko talaga kasing mag-artista.

“Ever since noong bata ako, wala akong gustong gawin na trabaho. Kaya never kong naisip na mag-stop.

“Although, sinabi ko naman sa sarili ko na kung twenty five, wala pa ring nangyayari, medyo mag-iisip na ako na baka pinipilit ko na lang ang sarili ko.

“Pero ano, luckily naman, dumating naman siya.”

MORAL SUPPORT FROM MARIAN. Bukod sa pamilya at malalapit na kaibigan, nagpapasalamat din si Andrea sa suportang ibinigay ng dating co-star sa My Beloved na si Marian Rivera.