Nagpapasalamat si Ynna Asistio na sa kabila ng sunud-sunod na mga problemang pinagdadaanan niya at ng kanyang pamilya ay nandiyan pa rin ang mga taong inaasahan niyang makakatulong sa kanya, lalo na ang boyfriend na si Mark Herras.

Photo: Grand Anderson Granali

Nabaha pala ang bahay sa Pasig City ng young actress na si Ynna Asistio noong kasagsagan ng nagdaang habagat.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynna kung bakit sa Pasig na sila nakatira, samantalang sa pagkakaalam namin ay taga-Quezon City sila.

Paliwanag niya, “Kasi nung time na magulo na yung buhay namin, naghahanap na talaga kami ng house.

“Kasi parang nakaramdam kami ng… si Mommy kasi, once nakaramdam siya ng bigat dun sa bahay, lumilipat kami."

Si Ynna ay anak ng dating Regal baby na si Nadia Montenegro kay Boy Asistio, isang dating mayor ng Caloocan City.

Pagpapatuloy ng Kapuso young actress, “So nung time na nagkakagulo na, talagang naghahanap na kami ng bahay noon.

“Tapos na-publish kung saan yung bahay namin dati, na hindi na… naisip namin na hindi na safe.

“So, lumipat kami and tahimik kaming lumipat at maayos—na mas okay kami dito, mas tahimik yung buhay namin.”

Ang kaso, binaha nga sila…

“Yung contract namin dun sa house, 'til December na lang, pero ang plano talaga namin this year is to ano na... magpagawa ng house.

“Kaya lang, ang hirap nung hindi mo alam kung ano ang tama para sa amin.

“Kasi ang dami namin sa bahay, nasa thirty kaming tao, so hindi birong magpagawa ng bahay.”



MARK HERRAS. Samantala, may isyung lumabas na break na raw sila ni Mark Herras. Gaano ito katotoo?

“A, hindi, wala po, ano po yun... wala, feeling ko, iyon yung time na nung nabaha kami,” sabi ni Ynna.

Marami kasi ang nakapansin na tahimik sila ni Mark sa Twitter ngayon.

“Natawa nga ako kasi may nagsabi sa akin na, ‘Bakit hindi ka na nagpo-post ng pictures? Hiwalay na ba kayo?’