Gina Alajar on being a grandmother: "Si Ryan pa lang ang nagbibigay ng apo sa akin, sa amin. Well, gusto ko sana halos lahat ng anak ko, meron na, hindi ba? They’re not getting any younger, nasa marrying age na rin sila, tapos hindi na rin ako bumabata. Gusto ko naman sana na mag-asawa na sila tapos makita ko na rin naman yung hitsura nung ibang apo ko sa kanila. Yung produkto ni Geoff at ni AJ!”

Photo: Noel Orsal

Sa kauna-unahang pagkakataon, maididirek ni Gina Alajar ang panganay niyang anak na si Ryan Eigenmann sa isang drama series.

Ipinagkatiwala ng GMA-7 kay Gina ang pagdidirek ng afternoon drama na Magdalena, ang launching project ni Bela Padilla.

Si Ryan ang gaganap na main villain dito at excited daw siya dahil ang kanyang ina ang magdidirek sa kanya.

SECOND BABY. Dumalo si Ryan sa story conference ng Magdalena noong Huwebes, August 30, sa GMA Network Center.

Dumating din ang asawa ni Ryan na si Cathy Bordalba, na limang buwan nang buntis sa kanilang ikalawang anak.

Kasama ni Cathy ang panganay nilang anak na babae, na kaagad lumapit sa lola nitong si Direk Gina at nagpakandong hanggang sa natapos ang storycon.

Kuwento ni Ryan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), baby boy ang ipinagbubuntis ngayon ng kanyang asawa.

Kaya tuwang-tuwa ang aktor dahil meron na silang girl, at boy naman ang magiging pangalawa nila.

“Actually, parang... Di ba, kung titingnan mo, quota na ako, e—boy and girl na, e.

"But we’ll see, baka masundan pa ng isa!” natatawa niyang sabi sa PEP.

LOLA GINA. Pero mukhang pinaka-excited sa lahat si Gina, dahil gustung-gusto na raw talaga niyang magkaapo sa mga anak niya.

“Oo naman!” sabi ng actress-director sa PEP.

“Di ba, si Ryan pa lang ang nagbibigay ng apo sa akin, sa amin.