Gina Alajar directs eldest son Ryan Eigenmann for the first time in upcoming Kapuso soap

Gina Alajar on being a grandmother: "Si Ryan pa lang ang nagbibigay ng apo sa akin, sa amin. Well, gusto ko sana halos lahat ng anak ko, meron na, hindi ba? They’re not getting any younger, nasa marrying age na rin sila, tapos hindi na rin ako bumabata. Gusto ko naman sana na mag-asawa na sila tapos makita ko na rin naman yung hitsura nung ibang apo ko sa kanila. Yung produkto ni Geoff at ni AJ!”


Sa kauna-unahang pagkakataon, maididirek ni Gina Alajar ang panganay niyang anak na si Ryan Eigenmann sa isang drama series.

Ipinagkatiwala ng GMA-7 kay Gina ang pagdidirek ng afternoon drama na Magdalena, ang launching project ni Bela Padilla.

Si Ryan ang gaganap na main villain dito at excited daw siya dahil ang kanyang ina ang magdidirek sa kanya.

SECOND BABY. Dumalo si Ryan sa story conference ng Magdalena noong Huwebes, August 30, sa GMA Network Center.

Dumating din ang asawa ni Ryan na si Cathy Bordalba, na limang buwan nang buntis sa kanilang ikalawang anak.

Kasama ni Cathy ang panganay nilang anak na babae, na kaagad lumapit sa lola nitong si Direk Gina at nagpakandong hanggang sa natapos ang storycon.

Kuwento ni Ryan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), baby boy ang ipinagbubuntis ngayon ng kanyang asawa.

Kaya tuwang-tuwa ang aktor dahil meron na silang girl, at boy naman ang magiging pangalawa nila.

“Actually, parang... Di ba, kung titingnan mo, quota na ako, e—boy and girl na, e.

"But we’ll see, baka masundan pa ng isa!” natatawa niyang sabi sa PEP.

LOLA GINA. Pero mukhang pinaka-excited sa lahat si Gina, dahil gustung-gusto na raw talaga niyang magkaapo sa mga anak niya.

“Oo naman!” sabi ng actress-director sa PEP.

“Di ba, si Ryan pa lang ang nagbibigay ng apo sa akin, sa amin.

“Well, gusto ko sana halos lahat ng anak ko, meron na, hindi ba?

“They’re not getting any younger, nasa marrying age na rin sila, tapos hindi na rin ako bumabata.

“Gusto ko naman sana na mag-asawa na sila tapos makita ko na rin naman yung hitsura nung ibang apo ko sa kanila.

“Yung produkto ni Geoff at ni AJ!” natatawa niyang pahayag patungkol sa dalawa pa nilang anak ng dating asawa na si Michael de Mesa.

Mas gusto raw ni Gina na, habang kaya pa niya, nalalaro at nakakasama niya ang mga apo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung siya ang masusunod, gusto na nga raw niyang mag-asawa si Geoff para makita naman daw niya agad ang kanyang mga apo rito, na ang girlfriend ng young actor na si Carla Abellana ang ina kung sakali.

“Kaya lang, si Geoff, mukhang wala pa, e.

“Ewan ko, tanungin niyo sila ni Carla, hindi ba?

“Pero para sa akin, si Geoff, pinapahanda ko na siya.

“Sabi ko, ‘Mag-ano ka na, mag-ready ka na. Dapat meron ka ng bahay at lupa, meron ka ng maraming pera para makabuhay ng pamilya.

“Hindi na rin naman siya bumabata, tumatanda na rin siya.

“So, gusto ko lang makita yung mga apo ko sa kanila.

"Gusto ko sana na ano, marami na sila diyan, yung ganun.

“Tapos pag Sunday, di ba, they’re all there, na pare-pareho sila…

"Halos pare-pareho ng edad, di ba? Para nagiging malapit sa isa’t isa, magkakalaro, hindi ba?”

Hindi pa masabi ni Gina kung ano ang plano nina Geoff at Carla, pero wala naman siyang masasabi pa at mukhang masaya naman daw ang dalawa.

Sa katunayan, wala si Carla sa gala night ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break bukas, September 2, dahil nasa Amerika na ito at sinundan doon si Geoff na nagbabakasyon.

(CLICK HERE to read related story.)

Si Gina ay "mentor" para sa South Luzon sa Protégé. Siya ang pumili at humuhubog sa mga talents mula sa rehiyong ito, na makikipagkumpetensiya sa iba pang talents ng ibang pang rehiyon.



RESPONSIBLE FATHER. Balik kay Ryan, walang masabi si Gina sa pagiging ama ng kanyang panganay na anak.

“Natutuwa ako, Ryan is a good family man. Naging responsible.

"I never thought …” natigil siya sandali at hindi na niya itinuloy ang kanyang sinabi.

“Yes, totoo,” diin nito sa pagiging responsible father ni Ryan.

“Wala siyang ibang iniisip kundi kung ano yung magiging maganda para sa pamilya niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, aminado naman si Ryan na malaki nga ang ipinagbago niya nang nagkapamilya na.

“Siyempre naman!” bulalas ng aktor.

“Hindi naman pwedeng forever yung state of mind mo na nasa pagiging single, di ba?

“Before, nung single pa ako, wala pang responsibilities, di ba? You live a life, party, you do crazy things, di ba?

“As you get older, responsibilities coming, you end up being more mature.

“Mas priority mo kung anong mas importante para sa pamilya mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN