Sisimulan na ni Derek Ramsay sa susunod na buwan ang paggawa ng kauna-unahan niyang TV series sa Kapatid network, ang Kidlat. Sabi ng hunky actor, “I’m really, really excited to start taping!”

Photo: Noel Orsal

Ilang shooting days na lang ang bubunuin ni Derek Ramsay para sa pelikulang A Secret Affair.

Kasama niya rito ang dating leading lady niya sa No Other Woman (2011) na si Anne Curtis at ang bagong Viva talent na si Andi Eigenmann.

Pero pagkatapos gawin ang pelikula, isang TV show naman sa TV5 ang pagkakaabalahan ni Derek.

Ito ay ang Kidlat kunsaan makakasama niya sina Ritz Azul, Nadine Samonte, at Baron Geisler.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa pictorial ng A Secret Affair noong Setyembre 21, nakapagbigay na ito ng reaksiyon sa mga bagong leading ladies niya.

“Pabata nang pabata ang leading lady ko, nakakabaliw!” natatawang sabi ng aktor.

FIRST SERIES WITH TV5. Pagdating naman sa kanyang unang serye sa TV5 ay "excited" na rin daw si Derek

“This is going to be my first time, so I’m really excited.

“I love working with new people, and while I work with new people, I learn something.

“Talagang I watch how they work, how they perform, and I get bits and pieces from them to better myself.

“They are two beautiful women and I can’t wait to start working with them," pagtukoy pa niya sa Kapatid stars na sina Nadine Samonte at Ritz Azul.

Nakapanayam ng PEP si Derek sa story conference ng Kidlat kahapon, Setyembre 24, sa Gateway Suites, Cubao, Quezon City.

A BIT OF PRESSURE. During the story conference, nabanggit ng TV5 head for creative and entertainment production na si Perci Intalan na habang binubuo ang konsepto ng show ay si Derek ang naisip nilang magiging bida nito.