Paano ba umiiwas si Marian Rivera sa mga natutuksong mga lalaki sa kanya? Sagot ng aktres, “Alam n’yo, ang mga guys kasi, hindi mo naman sasabihin na, ‘Wag n’yo akong titingnan. Wag kayong magkakagusto sa akin.’ Alam n’yo, nasa babae na ‘yan kung paano mo iha-handle at iiwasan ang ganoong sitwasyon. Lalo na kapag taken na, alam mo dapat kung saan ka lulugar.”

Photo: Noel Orsal

Dalawa ang leading men ni Marian Rivera sa bagong primetime series niya sa GMA-7 na Temptation of Wife—sina Dennis Trillo at Rafael Rosell.

Sa press conference ng Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na ito noong Lunes ng gabi, October 22, sa Studio 7, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian kung ano ang masasabi niya sa dalawang leading men niya.

“Si Dennis kasi, matagal ko nang nakatrabaho. Sobrang galing umarte, alam naman nating lahat yun. 

“Si Rafael kasi, hindi ko pa nakakatrabaho talaga. At wala pa kaming eksena together.

         

"Pero looking forward ako.

“Kapag nagkikita kami as Rafael and Marian, sobrang gentleman niya.”

Ano naman ang masasabi niya sa mga ugali nina Dennis at Rafael?

“E, kasi naman, hindi naman kami pare-parehas ng standby area, so hindi ko alam.  

“Pero siyempre, pare-pareho naman kami ng manager, nagba-bonding naman kami. 

“Kalog naman. Maiingay sila. 

“Mukha lang silang mga tahimik, pero makukulit sila.”

Sina Marian, Dennis, at Rafael ay mga alaga ng talent manager na si Popoy Caritativo.



RAFAEL ROSELL. Si Rafael ay ilang buwan pa lang nilang nakakasama sa talent management ni Popoy na Luminary bilang bagong lipat ito mula sa ABS-CBN.

Hindi ba naramdaman ni Marian kung na-intimidate si Rafael sa kanya noong una?

         

“Hindi naman,” sambit ng aktres.

“Kasi ako naman, never ko namang ipinaramdam sa kanila…

“Kahit sabihin nila na ako ang bida ng Temptation…, never kong ipinaramdam sa kanila na ako.

         

“At saka, ipinapayo sa akin ni Popoy, ‘Palagi mong io-open ang sarili mo. Dapat ikaw ang palaging nag-a-approach kasi ikaw ang nandiyan. So, mahihiya sila sa ‘yo.’”

Kuwento pa ni Marian, “Si Rafael naman, noong nagkita kami, mineet kami ni Popoy sa Shangri-La. Nag-dinner kami. Kuwentuhan.