Marian Rivera reveals how she avoids men who are tempted by her beauty

Paano ba umiiwas si Marian Rivera sa mga natutuksong mga lalaki sa kanya? Sagot ng aktres, “Alam n’yo, ang mga guys kasi, hindi mo naman sasabihin na, ‘Wag n’yo akong titingnan. Wag kayong magkakagusto sa akin.’ Alam n’yo, nasa babae na ‘yan kung paano mo iha-handle at iiwasan ang ganoong sitwasyon. Lalo na kapag taken na, alam mo dapat kung saan ka lulugar.”


Dalawa ang leading men ni Marian Rivera sa bagong primetime series niya sa GMA-7 na Temptation of Wife—sina Dennis Trillo at Rafael Rosell.

Sa press conference ng Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na ito noong Lunes ng gabi, October 22, sa Studio 7, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian kung ano ang masasabi niya sa dalawang leading men niya.

“Si Dennis kasi, matagal ko nang nakatrabaho. Sobrang galing umarte, alam naman nating lahat yun.

“Si Rafael kasi, hindi ko pa nakakatrabaho talaga. At wala pa kaming eksena together.

"Pero looking forward ako.

“Kapag nagkikita kami as Rafael and Marian, sobrang gentleman niya.”

Ano naman ang masasabi niya sa mga ugali nina Dennis at Rafael?

“E, kasi naman, hindi naman kami pare-parehas ng standby area, so hindi ko alam.

“Pero siyempre, pare-pareho naman kami ng manager, nagba-bonding naman kami.

“Kalog naman. Maiingay sila.

“Mukha lang silang mga tahimik, pero makukulit sila.”

Sina Marian, Dennis, at Rafael ay mga alaga ng talent manager na si Popoy Caritativo.



RAFAEL ROSELL. Si Rafael ay ilang buwan pa lang nilang nakakasama sa talent management ni Popoy na Luminary bilang bagong lipat ito mula sa ABS-CBN.

Hindi ba naramdaman ni Marian kung na-intimidate si Rafael sa kanya noong una?

“Hindi naman,” sambit ng aktres.

“Kasi ako naman, never ko namang ipinaramdam sa kanila…

“Kahit sabihin nila na ako ang bida ng Temptation…, never kong ipinaramdam sa kanila na ako.

“At saka, ipinapayo sa akin ni Popoy, ‘Palagi mong io-open ang sarili mo. Dapat ikaw ang palaging nag-a-approach kasi ikaw ang nandiyan. So, mahihiya sila sa ‘yo.’”

Kuwento pa ni Marian, “Si Rafael naman, noong nagkita kami, mineet kami ni Popoy sa Shangri-La. Nag-dinner kami. Kuwentuhan.

“Na-shock daw siya sa akin kasi hindi niya ine-expect na makulit ako. Kay Popoy niya sinabi.

“Kasi, feeling daw niya, tahimik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, noong nagkukuwentuhan kami ni Popoy, naririnig niya na, ‘Kalog pala si Yan.’”

Naitanong ng PEP kay Marian kung kinokonsulta muna ba sa kanila ni Popoy kapag tumatanggap ito ng bagong talent.

“Yes,” mabilis niyang sagot.

“Lahat kaming talents niya.

"Kapag lalaki, lalaki ang tinatanong niya. Kapag sa babae, kami ni Ate Janice [de Belen].”

May tinanggihan na ba siya?

“Wala pa naman kasi siyang babaeng hina-handle, puro lalaki.

“At meron pang parating na isang leading man, abangan n’yo ‘yan!” pagsisiwalat pa ni Marian.

Pang-tweens ba ang bagong male talent ni Popoy?

“Ay, ‘Day, pang-partner ko raw,” sabi ng Kapuso Primetime Queen.

Saan daw galing?

Galing… galing tiyan niya! Okay, change topic!” ang natatawang pag-iwas ni Marian at baka-preempt daw ang pagdating ng bago nilang kasama.


TEMPTATIONS. Dahil Temptation Of Wife ang titulo ng primetime series niya, tinanong namin kay Marian kung saan siya nate-tempt.

“Chocolates,” sagot niya.

Chocolates lang?

“E, ang sarap, e! Kaya ako, nagdadala talaga ako ng chocolates.

“E, nagda-diet ‘yang si Glaiza [de Castro]. Tapos nagdadala ako ng chocolates.”

Araw-araw siyang kumakain ng chocolates?

“I eat chocolates every day. Pampagising ko.”

Bukod sa chocolates, saan siya madaling matukso o ano ang weakness niya?

“Pulbos, powder,” nakangiting sabi niya.

“Tanungin n’yo pa sila sa taping.

“As in, Johnson’s… puwede bang sabihin ang brand?

“Mamamatay ako sa set na walang pulbos. Alam nila ‘yan. Inaasar nila ako.”

Hindi naman maipagkakaila na si Marian ang isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz. May insidente o sitwasyon na bang alam niyang natukso nang husto sa kanya ang isang lalaki?

“Alam n’yo, ang mga guys kasi, hindi mo naman sasabihin na, ‘Wag n’yo akong titingnan. Wag kayong magkakagusto sa akin.’

“Alam n’yo, nasa babae na ‘yan kung paano mo iha-handle at iiwasan ang ganoong sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na kapag taken na, alam mo dapat kung saan ka lulugar.”

Sabi naman namin, minsan kasi ang mga lalaki ay madaling matukso kahit taken na.

“Ay, nasa rurok ako ng kaligayahan!” natatawang sagot ni Marian.

Ano ang ginagawa niya kapag may natutukso sa kanya?

“Okay lang,” sambit niya.

“As long as wala akong ginagawang masama at hindi ko binabalik ang anumang ipinapakita nila sa akin.

“Normal lang naman sa isang lalaki na humanga sa isang babae.”

Dagdag pa niya, “Malaki kasi ang respeto sa akin ng mga lalaki—yun lang ang maipagmamalaki ko.

“Kahit ma-tempt sila, may respeto sila sa akin.”

Sa parte niya, may pagkakataon ba na natukso siya sa ibang lalaki?

“Hindi, hindi talaga!” mabilis na sabi ng girlfriend ni Dingdong Dantes.


BIG BANG. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Marian sa balitang crush daw siya ng mga miyembro ng K-pop group na Big Bang, na nandito ngayon sa Pilipinas.

Sabi niya, “E, ang hirap namang mag-react dun sa Big Bang.

“Nakita ko lang… actually, nakita ko yung video na yun.

“Sinabi ng director ko [Dominic Zapata] na, ‘Panoorin mo yung video ng Big Bang, pinagnanasaan ka ng Big Bang.’

“Parang tinanong yata sila kung sino ang favorite nilang superhero, ako ang lumabas—as Darna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN