Nang tanungin tungkol sa ama ng kanyang anak ay tumanggi ang nagbabalik-Kapuso na si Bettina Carlos. Aniya, “Huwag na natin siyang pag-usapan dahil wala rin naman akong magandang sasabihin tungkol sa kanya.”

Photo: Noel Orsal

Halos limang taon ding nawala sa GMA-7 ang actress-TV host na si Bettina Carlos.

Ngayon ay nagbabalik siya sa orihinal na home network niya sa pamamagitan ng primetime series na Temptation Of Wife, na pinagbibidahan nina Marian Rivera, Dennis Trillo, Glaiza de Catsro, at ang bagong Kapuso na si Rafael Rosell.

Kuwento ni Bettina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Huli ko dito Mulawin [2004-2005]. Super-tagal na.

“Nag-stop ako totally na mag-artista and then sa Studio 23 ako for two years.

“And then when I graduated 2009, up until early this year, sa ABS.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bettina sa presscon ng Temptation of Wife noong October 22 sa Studio 7 ng GMA Network.

Pumirma ng limang taong kontrata si Bettina sa Kapuso network.

“Under na po ako ng GMA Artist Centre and my mom. Before, sa Artist Center din ako and Stages.

“Kaka-start lang po ng contract ko as of August, till 2017.”

Bakit siya nagdesisyon na bumalik sa GMA-7?

“Actually I asked Star Magic to release me to go freelance, kasi gusto ko munang mag-freelance. Kasi I wanted to host, e.

“And then, I think, we got to GMA and then we set a meeting, tapos they expressed interest to take me back.

“And then, ako naman, where the work is, I’m there.

“But it became more special when it came from them, na I can come back home again.”

Noong 2003 siya nagsimula sa GMA-7.