Bettina Carlos returns to Kapuso network; would rather not talk about father of her child

Nang tanungin tungkol sa ama ng kanyang anak ay tumanggi ang nagbabalik-Kapuso na si Bettina Carlos. Aniya, “Huwag na natin siyang pag-usapan dahil wala rin naman akong magandang sasabihin tungkol sa kanya.”


Halos limang taon ding nawala sa GMA-7 ang actress-TV host na si Bettina Carlos.

Ngayon ay nagbabalik siya sa orihinal na home network niya sa pamamagitan ng primetime series na Temptation Of Wife, na pinagbibidahan nina Marian Rivera, Dennis Trillo, Glaiza de Catsro, at ang bagong Kapuso na si Rafael Rosell.

Kuwento ni Bettina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Huli ko dito Mulawin [2004-2005]. Super-tagal na.

“Nag-stop ako totally na mag-artista and then sa Studio 23 ako for two years.

“And then when I graduated 2009, up until early this year, sa ABS.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bettina sa presscon ng Temptation of Wife noong October 22 sa Studio 7 ng GMA Network.

Pumirma ng limang taong kontrata si Bettina sa Kapuso network.

“Under na po ako ng GMA Artist Centre and my mom. Before, sa Artist Center din ako and Stages.

“Kaka-start lang po ng contract ko as of August, till 2017.”

Bakit siya nagdesisyon na bumalik sa GMA-7?

“Actually I asked Star Magic to release me to go freelance, kasi gusto ko munang mag-freelance. Kasi I wanted to host, e.

“And then, I think, we got to GMA and then we set a meeting, tapos they expressed interest to take me back.

“And then, ako naman, where the work is, I’m there.

“But it became more special when it came from them, na I can come back home again.”

Noong 2003 siya nagsimula sa GMA-7.

“Nine years na ako [sa showbiz]! Until 2017 po siguro.”

TEMPTATION OF WIFE. Ang Temptation of Wife ang unang proyekto ni Bettina sa kanyang pagbabalik sa Kapuso network. Gumaganap siya rito bilang si Madel.

Paglalarawan ni Bettina sa kanyang role, “Mentally delayed. Parang matanda lang yung katawan niya pero bata siya mag-isip.”

Pinanood daw niya ang original Koreanovela na Temptation of Wife.

“Pinapanood po sa amin lahat yung ano… hindi ko pinanood nang buo kasi ayoko masyadong gayahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi although remake siya, we want to make it as close to the original as possible. Siyempre, bilang aktor naman, gusto mo rin na sariling sensibilidad mo yung gagamitin mo.

“Kaya pinanood ko lang just to get the hang of how Madel is.

“Her antics, ganyan, pero sariling labas na ng interpretasyon ng isang seven-year-old.”


MARIAN RIVERA. Karamihan ng mga eksena ni Bettina sa Temptation of Wife ay kasama niya si Marian Rivera. Kumusta ang pakikipagtrabaho niya sa Primetime Queen ng GMA-7?

“Masaya! Actually nagiging close na nga kami ni Yan, e.

“Nakakatawa si Yan kasi tsika-tsika, pag nag-action, umiiyak na! Sabi ko, ‘Nakakatawa ka!’

“Kasi before the take, nagtatawanan kami, nagbibiruan kami.

“E, sa akin normal lang, kasi yung character ko, pinagtatawanan lang namin, biglang umiiyak na!

“Sabi ko, ‘A, umiiyak ka na!’”

May nakita ba siyang pagsusuplada o pagmamaldita ni Marian tulad ng mga intriga laban sa aktres?

“Wala! Alam n’yo, ako naman, kung ano yung ipakita sa akin, siyempre iyon yung basis ko.

“I mean, believe what you see, not what you hear, di ba?

“And wala siyang ipinakita sa akin na anything and kahit kanino sa set namin for that matter.

“Wala, kahit walang tulog galing sa Extra Challenge, wala kang maririnig, e.”



FATHER OF BETTINA’S CHILD. Hindi naman itinatago ni Bettina na mayroon na siyang anak. Kinumusta namin sa kanya ang pagiging isang ina.

“Ay, napakasaya! Napaka-fulfilling.”

One year and seven months old na ang baby girl ni Bettina na si Amanda Lucia o Gummy.

Kuwento pa niya, “Ang saya-saya kasi mas naa-appreciate mo yung buhay, yung small things that happen, yung progress niya, yung development nung utak niya, ng motor skills niya, pagsasalita niya, paggalaw niya.

“Mas naa-appreciate mo yung life, yung mga bagay na ganun na nangyayari.”

Walang masyadong nasusulat tungkol sa ama ng anak ni Bettina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya tungkol dito, “Wala, wala namang fadir! Ang fadir niya yung kapatid ko, tatay ko, ako, nanay ko.”

Wala rin daw siyang anumang komunikasyon sa ama ng kanyang anak.

“Huwag na natin siyang pag-usapan dahil wala rin naman akong magandang sasabihin tungkol sa kanya,” matipid ngunit prangkang sagot ni Bettina.

Hanggang anim na buwan mula nang ipinanganak si Gummy ay sinubukan daw nila ng ama ng bata na ayusin ang kanilang pagsasama.

Pero ayon kay Bettina, “And then inayawan ko na, and then, since then, wala, wala namang initiative from him.”

Wala rin daw sustentong ipinapadala ang ama ng bata.

“Alam naman niyang kaya ko, e. Sinasabi ko iyon sa kanya dati pa, ‘Kaya ko, hindi kita kailangan!’”

Ano ang rason at hindi sila nagtagal?

“Siguro hindi lang kami magka-jibe when it comes to responsibilities.”

Ni hindi raw alam ni Bettina kung nasaan na ngayon ang ama ng kanyang anak.

At choice raw ni Bettina na wala siyang karelasyon ngayon.

“Wala. Not interested.

"I barely have any time, kasi lahat sa anak ko, sa pagtatrabaho.

“I’m very focused on securing a good future for her. Saka na ‘yan.

“Gusto ko, yung susunod, magiging apelyido ng anak ko yung apelyido niya.”

Wala ring nanliligaw?

“Wala nga kasi wala akong time. Hindi ako lumalabas, wala akong time.

“Pahinga ko na lang, tapos negosyo, taping, anak.”



BETTINA’S BROTHER. Naikuwento rin ni Bettina na ang bunso niyang kapatid na si Alison Carlos o Ali ay may interes ring mag-artista.

“Gusto ko na mag-artista siya, na subukan niya, pero gusto ko matapos muna siya.

“Kasi ang priority niya talaga, basketball.

"Gusto niya mag-modelling pero iba kasi ang katawan ng model sa basketball player, hindi siya same. So, doon tayo sa kung saan ang gusto niya.”

Estudyante at basketball player sa La Salle College of St. Benilde ang kapatid ni Bettina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Bettina naman ay graduate ng kursong Communication Techonlogy and Management sa Ateneo.

“Ginagamit ko siya sa negosyo kasi may negosyo ako na baking, home-based na baking business—Baked Bites by ABC.”

Desidido na ba si Bettina na mag-stay sa showbiz?

“Decided na ako kasi nahanap ko na, na after years of waiting and after years of doing this, ito talaga yung gusto ko, and there’s still so much room to explore.

“Kasi yung hosting, ngayon ko pa lang siya talaga mas nae-enjoy.

“Ang dami kong regional shows ng GMA na hinu-host, ang saya-saya!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN