Hindi maitago ni Angelica Panganiban ang kasiyahang nadarama niya sa relasyon nila ngayon ng kasintahang si John Lloyd Cruz. Pahayag ng aktres, “Sabi ko nga, wala na, wala na akong hihilingin pa.  Parang dumating ako sa point ng life ko na, ‘Gaano ba katagal itong magla-last? Puwede bang ma-maintain ko ‘to?’ Kasi, para bang death na yung tomorrow. Parang ibinibigay na sa akin ni Lord ang lahat. Para bang wala nang maibibigay pa.”

Photo: Noel Orsal

Sa panayam ni Angelica Panganiban sa The Buzz noong Linggo, February 3, binati ng host na si Toni Gonzaga ang pagiging masuwerte ngayon ng young actress.

Bukod kasi sa magandang showbiz career nito ay blooming din daw ang lovelife ngayon ni Angelica, sa katauhan ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Nakangiting sabi naman ni Angelica, “Sobra! Sabi ko nga, almost perfect na—next to God, Angelica Panganiban.”



NAGKAKALABUAN? Pero sabi nga, ang buhay-artista ay hindi nawawalan ng intriga.

Una na rito ang isyung nagkakalabuan na raw sila ni John Lloyd.

“Hindi, e,” kaswal na sabi ni Angelica.

“Siguro yung problema namin, wala kaming isyu. Wala kaming mapagtalunan.  

“Palaging okay. Palaging, kumbaga, nagtutugma ang mga gusto namin.”

Dalawa raw ang itinuturong dahilan ng diumano’y pagkakalabuan nila.

Una, kung hindi raw si Angelica ang selosa ay si John Lloyd ang seloso.

Totoo nga ba ito?

Saad ni Angelica, “Ako, yung pagiging selosa ko, siguro yung pa-sweet. 

“Sabi ko nga, dati, nangunguna ako. Pumipila ako para manood ng mga pelikula niya [John Lloyd]. As in, first day. 

“Tapos, pinapanood ko, sobra akong fan ng John Lloyd Cruz talaga.

“Tapos noong kami na, kapag nakikita ko... isang beses, napagdaanan namin ang One More Try, tapos may kissing scene sila ni Bea [Alonzo], para talaga akong yung tao na siyempre, yung lalaking mahal mo, parang ang hirap na makitang may ibang babae siyang sinasabihan ng ‘I love you.’

“Pero, hindi ko naman siya pinipigilan na, ‘Uy, sa mga eksena mo…’