Sarah Geronimo on Sarah G Live’s final episode: “Kailangang mag-move forward. Sabi ko nga po, as a performer, ang importante ay magkaroon po ng pagkakataon na may maipakitang bago every time you go up on stage.”

Photo: Noel Orsal

Ikinalungkot ni Sarah Geronimo ang pagtatapos ng kanyang Sunday musical show na Sarah G Live sa darating na Pebrero 10.

Statement na ipinadala ng ABS-CBN sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ritong kinailangang tapusin na ang naturang show ni Sarah “to fulfill other commitments.”

(CLICK HERE for related article.)

Ayon naman sa artikulo ni Reyma Buan-Deveza ng ABS-CBN News kahapon, Pebrero 7, ikinalungkot man ni Sarah ang pagtatapos ng show, kailangan na rin niyang “mag-move forward.”

“May lungkot, siyempre, kasi espesyal sa akin ang show,” pag-amin ng Popstar Princess.

“Nag-grow din ako as an artist, as a person, sa show na 'yon, at napamahal sa akin ang Sarah G Live family.

“Pero kailangang mag-move forward.

“Sabi ko nga po, as a performer, ang importante ay magkaroon po ng pagkakataon na may maipakitang bago every time you go up on stage.”



NEW PROJECT. Bagamat natapos ang isa niyang show, makakasama naman si Sarah sa upcoming singing talent show ng ABS-CBN, ang The Voice of the Philippines.

Ito’y franchise ng international show na The Voice, na dito sa Pilipinas ay ihu-host ni Toni Gonzaga.

Ani Sarah, “Sobrang honored po to be chosen as one of the coaches or judges for The Voice.

“Siyempre, initially, na-surprised ako. Kumbaga, malaking task or responsibility itong pagiging mentor, pero I take the challenge.

“Alam ko na maggo-grow din ako dito.

“Isang malaking karangalan na maging parte o bahagi ng success kung sino man ang magiging The Voice of the Philippines.”

Malapit din si Sarah sa bagong proyektong ito, dahil katulad ng mga contestants ay nagsimula rin siya sa talent show na Star For A Night (2003).

Aniya, “Kumbaga, makikita ko din yung journey ko sa kung ano ang magiging journey noong magiging member ng team.”



OTHER COACHES. Bagamat magaling na performer, aminado si Sarah na hindi pa siya ganoong katiwala sa kakayahan niya na mag-coach.