Sarah Geronimo’s ABS-CBN musical-variety show airs final episode on February 10

Pagkatapos ng isang taon ay mamamaalam na sa ere ang weekly musical-variety show ni Sarah Geronimo na Sarah G Live. Magiging abala si Sarah sa ibang commitments niya sa panibagong kontrata niya sa ABS-CBN, gaya ng pagiging isa sa judge ng The Voice at paggawa ng isang drama anthology.


Magpapaalam na sa ere ang weekly musical-variety show ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Isang taon ang itinagal ng show ni Sarah.

Ang pilot episode nito ay noong February 26, 2012, samantalang ang huling episode ay ipalalabas sa Linggo, February 10.

Ayon sa official statement na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ABS-CBN—sa pamamagitan ng head ng ABS-CBN Integrated Corporate Communications na si Mr. Bong Osorio—ay magiging abala si Sarah sa iba niyang trabaho.

Kakapirma lang muli ng Pop Princess ng kontrata sa Kapamilya network.

Kabilang sa pagkakaabalahan ni Sarah ay ang pagiging isa sa mga judge ng bagong reality singing competition ng ABS-CBN na The Voice of The Philippines.

Magkakaroon din daw ng sarili niyang drama anthology ang 24-year-old singer-actress.

Kasalukuyan ding tinatapos ni Sarah ang third installment ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz, ang It Takes A Man And A Woman.

Narito ang kabuuang statement ng ABS-CBN kaugnay ng pagtatapos ng Sarah G Live:

"Sarah G Live ends on top of its game with its last episode airing on Sunday, 10 February 2013. After a year of bringing world-class performances to Filipino viewers here in the country and in TFC markets around the world, Sarah Geronimo moves on to fulfill other commitments. The Popstar, who recently renewed her contract with the Kapamilya network, will sit as one of the judges of The Voice of the Philippines, and will soon have her own drama anthology. Sarah is also busy filming her upcoming Star Cinema movie with John Lloyd Cruz, and is set to go on a Sarah G concert worldwide."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN