Aside from being an award-winning character actress and a full-time mother of four, Sylvia Sanchez also has a degree in Culinary Arts, which she puts to good use while managing their resto-bar.

Photo: William R. Reyes

Bilang ina at tumatayong manager din ng binatang aktor na si Arjo Atayde, nadagdagan pa ang responsibilidad ni Sylvia Sanchez.

Pero hindi nagku-complain ang award-winning character actress.

She takes on the responsibility, bilang karagdagang kaabalahan, tulad ng pagma-manage ng negosyo nila ng asawa (Art Atayde), ang TJ Resto-bar sa Quezon City.

“Pag Sunday, hindi talaga ako nagte-taping,” pahayag ni Sylvia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Nangyayari lang yung Sunday [tapings] pag may offer ang MMK [Maalaala Mo Kaya?], na magandang-maganda ang role. Yun, kinakagat ko yun. Pero minsan lang,” aniya pa.

Kasalukuyang bahagi nga si Sylvia ng dalawang top-rating teleserye sa ABS-CBN: ang Be Careful With My Heart (daytime drama series) at Apoy Sa Dagat, on primetime.

Bukod kay Arjo, may tatlo pang anak sina Art at Sylvia sa magsa-sampung taon na nilang pagiging mag-asawa, mula noong March 27, 2003.

At hindi lang sa pagiging artista nag-focus si Sylvia; maging sa sariling edukasyon, tungo sa pagne-negosyo.

“Graduate po ako ng Culinary Arts,” pag-inform pa niya. Kaya isang restaurant-bar ang ngayo'y matagumpay nilang negosyo ng kanyang husband.

“Si Art, hindi nag-aral [ng culinary arts], pero natuto [sa resto business], dahil sa akin,” pagmamalaki pa ni Sylvia.

NOT UNLIKE A STAGE MOM. Sa pagiging artista, starting in her teens, marami ring natutunan si Sylvia Sanchez sa pasikut-sikot na larangan, na ngayo'y ibinabahagi niya sa anak na si Arjo.

“Like ngayon, yung soap niya ngayon... meron na siyang Dugong Buhay [sa ABS-CBN], sila ni Ejay Falcon [as leads]... may sexy-sexy yan, e.”

Matamang nakikinig ang binatang aktor sa actress-mom niya sa panahon ng interview; ngingiti-ngiti, nare-realize ang mga kapabayaang ipinupunto ng ina.

“E, ano, di ba dati yung sa Star Awards for TV, meron pa siyang tiyan?” banggit ni Sylvia, nagbalik-tanaw.