Sylvia Sanchez gives pointers to newbie actor-son Arjo Atayde

Aside from being an award-winning character actress and a full-time mother of four, Sylvia Sanchez also has a degree in Culinary Arts, which she puts to good use while managing their resto-bar.


Bilang ina at tumatayong manager din ng binatang aktor na si Arjo Atayde, nadagdagan pa ang responsibilidad ni Sylvia Sanchez.

Pero hindi nagku-complain ang award-winning character actress.

She takes on the responsibility, bilang karagdagang kaabalahan, tulad ng pagma-manage ng negosyo nila ng asawa (Art Atayde), ang TJ Resto-bar sa Quezon City.

“Pag Sunday, hindi talaga ako nagte-taping,” pahayag ni Sylvia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Nangyayari lang yung Sunday [tapings] pag may offer ang MMK [Maalaala Mo Kaya?], na magandang-maganda ang role. Yun, kinakagat ko yun. Pero minsan lang,” aniya pa.

Kasalukuyang bahagi nga si Sylvia ng dalawang top-rating teleserye sa ABS-CBN: ang Be Careful With My Heart (daytime drama series) at Apoy Sa Dagat, on primetime.

Bukod kay Arjo, may tatlo pang anak sina Art at Sylvia sa magsa-sampung taon na nilang pagiging mag-asawa, mula noong March 27, 2003.

At hindi lang sa pagiging artista nag-focus si Sylvia; maging sa sariling edukasyon, tungo sa pagne-negosyo.

“Graduate po ako ng Culinary Arts,” pag-inform pa niya. Kaya isang restaurant-bar ang ngayo’y matagumpay nilang negosyo ng kanyang husband.

“Si Art, hindi nag-aral [ng culinary arts], pero natuto [sa resto business], dahil sa akin,” pagmamalaki pa ni Sylvia.

NOT UNLIKE A STAGE MOM. Sa pagiging artista, starting in her teens, marami ring natutunan si Sylvia Sanchez sa pasikut-sikot na larangan, na ngayo’y ibinabahagi niya sa anak na si Arjo.

“Like ngayon, yung soap niya ngayon... meron na siyang Dugong Buhay [sa ABS-CBN], sila ni Ejay Falcon [as leads]... may sexy-sexy yan, e.”

Matamang nakikinig ang binatang aktor sa actress-mom niya sa panahon ng interview; ngingiti-ngiti, nare-realize ang mga kapabayaang ipinupunto ng ina.

“E, ano, di ba dati yung sa Star Awards for TV, meron pa siyang tiyan?” banggit ni Sylvia, nagbalik-tanaw.

That was October of 2012, kung kailan kapwa sila nanalo ng award sa PMPC; si Sylvia, sa Best Single Performance By An Actress category (for MMK’s “Aswang” episode) at si Arjo, as Best New TV Personality (for MMK’s “Bangka” episode).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa harap ng nag-iinterbyung press ay pinagsabihan ni Sylvia ang anak.

“‘O, sige, maghubad ka!’” sinabihan daw ni Sylvia si Arjo. “Di ba, kasi, sexy-sexy sila ni [Ejay] Falcon?

“Sige ka, si Falcon, ang ganda ng katawan... tapos ikaw, wala kang katawan... para kang ’engot’ diyan!” natatawang paglalahad pa ng concerned actress-mom.

Positive naman daw ang naging resulta noon, para kay Arjo.

“Bigla siyang nag-gym!” natatawang banggit pa ni Sylvia about her actor-son.

Kuwento pa ni Sylvia, “Kasi sa E-Boy, yung una niyang teleserye, naliligo siya sa poso. Naghubad siyempre siya ng t-shirt.

“E, may baby fats! Sabi ko sa kanya, ’yun ang problema mo!’

“Ang sinabi ko pa sa kanya, ’Ang acting, puwedeng madaya yun... puwedeng take 3, take 4, puwedeng maayos yan, di ba?

“’Pero ang katawan, hindi puwedeng take 2, take 3, take 4... kasi kung ano yung katawan mo, yun ang mare-rehistro...’

“Ngayon, nagpalaki siya ng katawan,” natatawang lahad pa ni Sylvia, habang nasa tabi ang young actor-son.

HANDS-OFF ON ARJO’S LOVELIFE. “E, ako nga, ang taba-taba ko sa screen,” kuwento pa ni Sylvia.

“Sinabi ko sa kanya [Arjo] yan... kaya ngayon, meron na rin siyang dibdib!”

Sa Dugong Buhay, na malapit nang simulan ang airing, makakapareha ni Arjo ang sexy newcomer na si Yam Concepcion.

Sa isang hiwalay na interview, inamin ni Arjo sa PEP na he and Yam get along very well.

“She’s easy to talk to, e... easy to get along with... oh, yeah, definitely, lumalabas-labas din kami,” pag-amin ng binata.

Hindi malayong magkamabutihan din ang dalawa na posibleng humantong sa pagiging higit pa sa magkaibigan.

Bagay wala naman daw pagtutol si Sylvia, kung sakali man.

“Ayokong makialam diyan...” sambit pa ng butihing ina ni Arjo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN