Bukod sa pagiging bida sa pelikulang Kung Fu Divas, isa rin sa mga producer ng pelikula si Marian Rivera. Pero ayon sa aktres, walang kaba sa kanya ang pagpoprodyus ng pelikula sa unang pagkakataon. Sabi niya, “Kasama ko si Ms. Ai-Ai delas Alas, bakit ako kakabahan? At saka, siguro ano rin yun, bonus na lang siguro ang kumita. Pero ang sinasabi ko rito, yung experience kung ano ang nangyayari sa set. Na napaka-thankful ko na ang dami namang puwede, bakit ako? Nag-tandem pa kami ni Ate Ai. So, ibang experience yun, ibang patikim sa tao.”

Photo: Noel Orsal

Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng pelikulang Kung Fu Divas sa Revolver Studio sa Makati kahapon, March 18.  

Kumpleto halos ang cast ng pelikula sa pangunguna nina Marian Rivera at Ai-Ai delas Alas, na co-producers din ng itinatayang isa sa pinakamalaking pelikula ngayong taon.

Malaking eksena ang kinuhanan kahapon at medyo mahirap dahil gumamit sila ng chroma o green screen.

Ngunit halatang masaya si Marian sa shooting.

Sabi nga niya tungkol sa pelikula, “Na-excite ako kasi bago ang mga kasama ko, except kay Kuya Dick [Roderick Paulate].

“Pero si Ate Ai [Ai-Ai delas Alas], first time ko kasi siyang maka-work kaya excited talaga.”

Mahaba pa raw ang shooting days nila dahil marami pa silang fight scenes na kukunan.    

Pero kahit gumagamit sila ng chroma technology, marami pa rin daw silang mga pinupuntahang location.

Kuwento ni Marian, “Ang dami naming location—nag-Bataan kami, nag-Anilao kami. Marami rin kaming mga location na ang lalayo.

“Then the rest, dito kami sa studio. Naka-harness, naka-chroma.”

Sabi pa ni Marian, isa na sa pinakamahirap na pelikulang ginawa niya ang Kung Fu Divas.

 

“Nagta-tumbling, umiikot, tumatakbo sa pader na hindi ko pa nagagawa. 

“Alam kong mag-harness, lumipad, pero yung naglalakad sa mga pader, mag-twist, bumagsak, bago yun sa akin.”



FILM PRODUCER. Ang pelikula ring ito ang kauna-unahang sabak ni  Marian sa pagpoprodyus ng pelikula.

Kumusta naman?

“Iba pala kapag ikaw ang nagpo-produce kasi ako, bilang artista, umaarte ako at palagi kong ibinibigay ang one hundred percent ng buhay ko. 

“Pero dito, iba pala. Parang kahit pala pagod na pagod ka na at hirap na hirap ka na, ‘Direk, ita-try ko pa, isa pa, ha!’