Marian Rivera enjoys wearing two hats in Kung Fu Divas

Bukod sa pagiging bida sa pelikulang Kung Fu Divas, isa rin sa mga producer ng pelikula si Marian Rivera. Pero ayon sa aktres, walang kaba sa kanya ang pagpoprodyus ng pelikula sa unang pagkakataon. Sabi niya, “Kasama ko si Ms. Ai-Ai delas Alas, bakit ako kakabahan? At saka, siguro ano rin yun, bonus na lang siguro ang kumita. Pero ang sinasabi ko rito, yung experience kung ano ang nangyayari sa set. Na napaka-thankful ko na ang dami namang puwede, bakit a


Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng pelikulang Kung Fu Divas sa Revolver Studio sa Makati kahapon, March 18.

Kumpleto halos ang cast ng pelikula sa pangunguna nina Marian Rivera at Ai-Ai delas Alas, na co-producers din ng itinatayang isa sa pinakamalaking pelikula ngayong taon.

Malaking eksena ang kinuhanan kahapon at medyo mahirap dahil gumamit sila ng chroma o green screen.

Ngunit halatang masaya si Marian sa shooting.

Sabi nga niya tungkol sa pelikula, “Na-excite ako kasi bago ang mga kasama ko, except kay Kuya Dick [Roderick Paulate].

“Pero si Ate Ai [Ai-Ai delas Alas], first time ko kasi siyang maka-work kaya excited talaga.”

Mahaba pa raw ang shooting days nila dahil marami pa silang fight scenes na kukunan.

Pero kahit gumagamit sila ng chroma technology, marami pa rin daw silang mga pinupuntahang location.

Kuwento ni Marian, “Ang dami naming location—nag-Bataan kami, nag-Anilao kami. Marami rin kaming mga location na ang lalayo.

“Then the rest, dito kami sa studio. Naka-harness, naka-chroma.”

Sabi pa ni Marian, isa na sa pinakamahirap na pelikulang ginawa niya ang Kung Fu Divas.

“Nagta-tumbling, umiikot, tumatakbo sa pader na hindi ko pa nagagawa.

“Alam kong mag-harness, lumipad, pero yung naglalakad sa mga pader, mag-twist, bumagsak, bago yun sa akin.”



FILM PRODUCER. Ang pelikula ring ito ang kauna-unahang sabak ni Marian sa pagpoprodyus ng pelikula.

Kumusta naman?

“Iba pala kapag ikaw ang nagpo-produce kasi ako, bilang artista, umaarte ako at palagi kong ibinibigay ang one hundred percent ng buhay ko.

“Pero dito, iba pala. Parang kahit pala pagod na pagod ka na at hirap na hirap ka na, ‘Direk, ita-try ko pa, isa pa, ha!’

“Hindi ka titigil hangga’t hindi mo naa-accomplish ang gusto mong mangyari.

“Si Direk [Onat Diaz] nga, sinasabi, ‘Yan, okay na.’ Pero ako, ‘Hindi Direk, kaya ko pa, isa pa!’” natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naiisip n Marian kung bakit gusto niyang ulitin ang mga action scenes?

“Yung kaya ko pa ‘to, kaya ko pa ‘to. Puwede ko pang galingan.

“Kapag trabaho lang at sinabi ng direktor na, ‘Okay na, okay na ako.’

“Pero dito, ‘Direk, try ko pa, kayang isa pa.’

“’Hindi, Yan, tama na. Nasasaktan ka na.’

“Pero ako, ‘Hindi, isa pa po. Try ko pa po.’

“May mga ganoong pangyayari,” saad niya.

Parang pine-pressure naman niya ang sarili niya?

“Hindi naman pine-pressure,” sambit ng Kapuso actress.

“Parang masarap din naman na nakakapag-comment ka.

“Siyempre, producer ka rito, nakakapag-comment ka.

“Hindi katulad ng ibang ginagawa mong trabaho, kung ano ang sabihin sa ‘yo, yun na ang gagawin mo.”

Posibleng masundan ang pagiging film producer niya?

Natatawang sagot ni Marian, “Tingnan ko muna ang resulta nito!

“Hindi naman din kasi kadali mag-produce. Siyempre, malaking ano rin.

“Bawat kinikita ko, pinaghihirapan ko.

“So, mahirap sumugal nang hindi mo alam ang kalalabasan.

“So, after nito, doon ko masasabi na puwede pala.”

Buo na raw ang kuwento ng Kung Fu Divas nang alukin si Marian na maging co-producer nito.

Sabi niya, “Ang sabi nga, hindi raw magiging possible itong Kung Fu Divas kung hindi kay Direk Onat.

“At siyempre, sa mga producers na iba. Kay Ate Ai at sa akin.”

Gaano naman kalaki ang naging investment niya sa Kung Fu Divas?

“Basta,” nakangiti niyang sabi.

Natatandaan namin noong December na may plano si Marian na bumili ng sasakyan. Pero sabi niya, depende pa ito sa magiging investment niya sa kinu-co-produce na pelikula.

Pero nakabili pa rin naman siya ng sasakyan.

“Yung in-invest, malaki. Malaki talaga,” sabi niya.

Gaano siya ka-proud sa movie na ginagawa nila?

“Sobrang proud dahil una palang sinabi sa amin itong proyektong ito, na-amaze na ako.

“Kahit hindi pa namin ginagawa, na-excite ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong ginagawa na namin, ‘Ay, totoo pala ang kuwento!’ At nangyayari ayon sa kuwento ni Direk na gusto niyang mangyari.”



WORKING WITH AI-AI. Malaking bagay talaga para kay Marian na nakasama niya ang Comedy Queen na si Ai-Ai at isang bagay raw ito na nakakapagpasaya talaga sa kanya sa Kung Fu Divas.

Saad ni Marian, “Si Ate Ai kasi, on the spot, nag-click kaming dalawa.

“Siguro kasi, parehas kami ng ugali.

“Tapos, siyempre, napaka-thankful ko dahil Comedy Queen siya, di ba? So, parang ang dami ko rin na natutunan sa kanya.

“Ako minsan, naa-amaze ako sa kanya na, ‘A, okay, game.’

“Mabait katrabaho. Walang ere rin at pagkatapos, masaya lang kami sa shooting. Landian lang kami nang landian.”

Nagkakakuwentuhan din ba sila sa kani-kanilang lovelife? Lalo na’t kailan lang ay umalis ng bansa si Ai-Ai dahil may “pinagdaanan” sa relasyon nito sa boyfriend niyang si Jed Salang.

Nakangiting sabi ni Marian, “Oo naman, pero sa amin na lang yun. Basta open kami sa ganoon.”

Yung pagiging producer nila, nakatutok din ba sila sa bawat aspeto ng produksiyon?

“Mas tutok dito sila Direk Onat, sa lahat ng bagay, sila.

“Kami ni Ate Ai, nandito rin kami, nagbubusisi rin kami, pero mas more on sila.”



THE DIRECTOR. Unang directorial job naman sa pelikula ni Direk Onat ang Kung Fu Divas. Pero matagal na ito sa advertising at director ng The Buzz.

Kumusta naman itong direktor?

“Mahusay siya,” sagot ni Marian.

“At saka nakatrabaho ko na siya sa commercial.

“At itong movie, ginawa niyang parang commercial, ganoon ang mga shots niya.”

Ano ang mga makikita o mapapanood ng mga tao na bago sa Kung Fu Divas?

“Kasi, hindi namin alam ni Ate Ai… well, bukod sa mga chroma na ‘yan, yung kuwento, yung twist ng kuwento.

“Bukod diyan, hindi namin alam ni Ate Ai kung kailan ulit kami magkakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka ito na ang huli at unang pagsasama naming dalawa.”



THE LEADING MAN. Ang model-actor na si Edward Mendez ang leading man nina Marian at Ai-Ai sa pelikula.

Napakasuwerte yata ni Edward sa kanilang dalawa?

Ayon naman kay Marian, “Actually, maraming nag-audition.

“Sa lahat ng nag-audition, nagkasundo-sundo kaming lahat, siya talaga ang nag-standout.”

May “say” rin siya sa pagpili kay Edward?

“Oo naman, oo naman,” nakangiting niyang sabi.

Dugtong pa ni Marian, “At kita n’yo naman, topless talaga.

“At in fairness sa kanya, nag-e-effort siya sa acting niya. Kapag sinabi ni Direk na Chinese, Chinese talaga.”

BIGGER THAN TIKTIK? Co-producer din nina Marian at Ai-Ai sa Kung Fu Divas ang Reality Entertainment ni Dondon Monteverde.

Ito ang ikalawang pelikula na gagamit ng chroma technology ang Reality Entertainment. Una na nga ang Tiktik: The Aswang Chronicles, na pinagbidahan ng boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes.

Masasabi ba ni Marian na mas malaki pa sa Tiktik ang Kung Fu Divas?

Sagot niya, “Actually, dahil hindi ako kasama sa Tiktik, hindi ko alam kung magkano talaga ang buong cost nila doon.

“At saka, buong pelikula nila, chroma sila. Kami, hindi.

“Kalahati ng pelikula chroma, kalahati location kami.”

Pero ang mismong line producer ng pelikula na si Joven Tan ang nagsabi na mas malaki raw ang Kung Fu Divas kumpara sa Tiktik.

Kaya tanong namin kay Marian, may kaba rin ba bilang producer at isa sa mga bida ng pelikula?

“Hindi,” mabilis niyang sagot.

“Kasama ko si Ms. Ai-Ai delas Alas, bakit ako kakabahan?

“At saka, siguro ano rin yun, bonus na lang siguro ang kumita.

“Pero ang sinasabi ko rito, yung experience kung ano ang nangyayari sa set. Na napaka-thankful ko na ang dami namang puwede, bakit ako?

“Nag-tandem pa kami ni Ate Ai. So, ibang experience yun, ibang patikim sa tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible raw na sa October pa ang showing ng Kung Fu Divas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN