Dina says that, from the start, Maricel wasn't steady: “We took a video of a promo na parang test shots to introduce the soap, medyo hindi stable si Maria noon, e. Kasi she was crying, she was depressed... And I think, at that time, she was nervous. I remember nagsu-shoot kami, ninenerbiyos siya, gumagano’n yung kamay niya [nanginginig]... Sabi ko, ‘Why, what’s wrong?’ 'Wala,' sabi niya. ‘I’m so sad’... Parang buti na lang daw her kids don’t leave her no matter what... I guess she was going through the state of depression, which we normally undergo at this age."

    

Photo: Noel Orsal

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang aktres na si Dina Bonnevie sa soft-opening ng Victorino’s restaurant sa Jamboree Street corner Scout Rallos, Quezon City, noong Sabado ng gabi, March 23.

Ang naturang restaurant ay pag-aari ni Dina at ng asawa niyang si Ilocos Vice Governor DV Savellano. Kasosyo rin nila dito ang kapatid ni DV na si Reina Virginia Savellano-Paras, ang kanilang ina, at ang award-winning culinary expert na si Heny Sison.



BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN. Abala ngayon si Dina sa taping ng upcoming ABS-CBN primetime series na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Kasama niya rito sina Gerald Anderson, Dawn Zulueta, Cristine Reyes, Diana Zubiri, Tonton Gutierrez, at Rayver Cruz.

Kuwento ni Dina tungkol sa teleserye, “Ngayon, medyo break kami ng two weeks until the fifth of April. 

“Pero actually, hindi pa kami masyadong nagpu-full swing ng taping. 

“Kasi, like sa akin, I only tape mga once a week... I mean, twice.

“Kasi nga… ewan ko… yung isa, may lakad si Dawn, yung minsan naman may sakit siya. 

“Si Gerald naman the other time. The other time naman, si Cristine naman ang hindi puwede. 

“So, ayun, medyo hindi pa in full swing.

“Pero etong coming campaign season, Dawn and I will only be taping twice a week—Monday and Wednesday.

“Kasi Thursday, Friday, Saturday, and Sunday, magka-campaign naman kami for our husbands.”

Ang mister ni Dawn na si Anton Lagdameo ay tumatakbo muling kongresista sa second district ng Davao del Sur; samantalang ang mister ni Dina na si DV Savellano ay re-electionist sa pagka-bise gobernador ng Ilocos Sur.



DAWN ZULUETA. Kumusta naman katrabaho si Dawn?

“Ay, masarap katrabaho si Dawn!” bulalas ni Dina.

“Makuwento siya, plus maalaga.

“I mean, it’s nice na yung co-star mo, hindi insecure.