Hindi nagkaila ang aktres na si Lorna Tolentino nang tanungin tungkol sa breakup ng anak niyang si Renz Fernandez sa TV host-actress na si Maxene Magalona. Sabi ni Lorna, “Oo, sinabi naman nila. Pareho naman silang nagsabi na yun nga raw. E, siguro ganun talaga, mga bata pa rin naman kasi sila.”

Photo: Noel Orsal

Kinumpirma ng aktres na si Lorna Tolentino ang breakup ng anak niyang si Renz Fernandez at ng TV host-actress na si Maxene Magalona.

Ayon kay Lorna, “Oo, sinabi naman nila. Pareho naman silang nagsabi na yun nga raw.  

“E, siguro ganun talaga, mga bata pa rin naman kasi sila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Lorna sa taping ng bagong teleserye ng GMA-7 na Home Sweet Home kahapon, April 15, sa Pulilan, Bulacan

Kumusta naman si Renz pagkatapos ng breakup nito kay Maxene?

“Okay naman, nagtatrabaho,” sagot ni Lorna.

Naging malapit din si Lorna kay Maxene at nakakasama rin nila itong lumabas. Hindi ba siya nalungkot?

Sabi ng aktres, “Malulungkot ka lang naman kapag masama ang breakup o magkaaway sila. 

“Pero magkaibigan pa rin naman sila. They remain friends.

“At saka, maliit lang ang industry, mas magandang magkakaibigan dahil kayo-kayo rin naman ang magkikita-kita.”

Itinanggi naman ni Lorna na si Coleen Garcia ang dahilan ng breakup nina Renz at Maxene.

Nali-link sina Renz at Coleen dahil magkasama sila sa ABS-CBN series na Little Champ. Nagwakas na rin kamakailan ang relasyon ni Coleen kay Gab Valenciano.

Sabi ni Lorna, “Ay hindi, si Coleen? Sila kasi ni Renz ang magka-loveteam sa teleserye nila, yung Little Champ.”



RECHARGING. Pagkatapos ng taping niya para sa primetime soap na Pahiram Ng Sandali, nagbakasyon si Lorna sa ibang bansa, bukod pa sa padalaw-dalaw rin siya sa kanyang farm sa Alfonso, Cavite.

Aminado ang aktres na napagod siya emotionally sa Pahiram Ng Sandali dahil halos puro “crying scenes” ang mga eksena niya.

Kaya tanong ng PEP: Nakapag-recharge na ba siya ngayon?