Lorna Tolentino confirms breakup of son Renz Fernandez with Maxene Magalona

Hindi nagkaila ang aktres na si Lorna Tolentino nang tanungin tungkol sa breakup ng anak niyang si Renz Fernandez sa TV host-actress na si Maxene Magalona. Sabi ni Lorna, “Oo, sinabi naman nila. Pareho naman silang nagsabi na yun nga raw. E, siguro ganun talaga, mga bata pa rin naman kasi sila.”


Kinumpirma ng aktres na si Lorna Tolentino ang breakup ng anak niyang si Renz Fernandez at ng TV host-actress na si Maxene Magalona.

Ayon kay Lorna, “Oo, sinabi naman nila. Pareho naman silang nagsabi na yun nga raw.

“E, siguro ganun talaga, mga bata pa rin naman kasi sila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Lorna sa taping ng bagong teleserye ng GMA-7 na Home Sweet Home kahapon, April 15, sa Pulilan, Bulacan

Kumusta naman si Renz pagkatapos ng breakup nito kay Maxene?

“Okay naman, nagtatrabaho,” sagot ni Lorna.

Naging malapit din si Lorna kay Maxene at nakakasama rin nila itong lumabas. Hindi ba siya nalungkot?

Sabi ng aktres, “Malulungkot ka lang naman kapag masama ang breakup o magkaaway sila.

“Pero magkaibigan pa rin naman sila. They remain friends.

“At saka, maliit lang ang industry, mas magandang magkakaibigan dahil kayo-kayo rin naman ang magkikita-kita.”

Itinanggi naman ni Lorna na si Coleen Garcia ang dahilan ng breakup nina Renz at Maxene.

Nali-link sina Renz at Coleen dahil magkasama sila sa ABS-CBN series na Little Champ. Nagwakas na rin kamakailan ang relasyon ni Coleen kay Gab Valenciano.

Sabi ni Lorna, “Ay hindi, si Coleen? Sila kasi ni Renz ang magka-loveteam sa teleserye nila, yung Little Champ.”



RECHARGING. Pagkatapos ng taping niya para sa primetime soap na Pahiram Ng Sandali, nagbakasyon si Lorna sa ibang bansa, bukod pa sa padalaw-dalaw rin siya sa kanyang farm sa Alfonso, Cavite.

Aminado ang aktres na napagod siya emotionally sa Pahiram Ng Sandali dahil halos puro “crying scenes” ang mga eksena niya.

Kaya tanong ng PEP: Nakapag-recharge na ba siya ngayon?

“Oo, oo naman,” nakangiti niyang sagot.

Gusto ba niyang light muna ang susunod niyang teleserye?

Sabi ni Lorna, “Oo sana, kahit ano naman… parang alam naman natin na hindi naman yata mangyayari yun, na light lang sa teleserye.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May susunod na ba siyang gagawin sa GMA-7?

“Iniisip pa nila kung ano ang susunod kong gagawin.

“Kaya habang wala pa, eto, guest ako ngayon sa Home Sweet Home.

“Okay naman, two weeks ako dito, ikalawang taping ko na ngayon. Masaya naman.”

Two projects a year ang pinirmahang kontrata ni Lorna sa Kapuso network, pero hindi raw kasama sa dalawang projects niya ang Home Sweet Home dahil guest lang naman siya rito.



BURGOS. Timing din na hindi pa nakakasa ang bago niyang teleserye sa GMA-7 dahil siya ang gaganap bilang Editha Burgos sa biopic na Burgos, mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Si Editha ang ina ng nawawala pa ring aktibista na si Jonas Burgos.

Bilang paghahanda sa role, magpapagupit daw si Lorna ng maikling buhok pagkatapos na pagkatapos ng taping niya noong araw na yun ng Home Sweet Home.

Pero kailangan pa rin ba niyang magpagupit talaga, hindi puwedeng wig na lang?

Sabi ni Lorna, “E, kasi, alam naman natin na sa TV na nga lang, kahit gaano pa kamahal yung ginamit mong wig, halata pa rin talaga na fake, hindi totoo.”

Masaya si Lorna sa bagong pelikula dahil hanga raw siya sa ipinapakitang katapangan ni Mrs. Burgos.

Kaugnay nito, naghahanap si LT ng kopya ng episode ng Bottomline ni Boy Abunda kunsaan nakapanayam nito si Mrs. Burgos.

“Ang daming nagsabi sa akin na panoorin ko raw yung interview niya sa Bottomline kasi napaka-strong woman daw talaga do’n, ang daming nagsabi.

“Kaso, wala akong mahanap na copy sa Internet. Pero gusto ko siyang mapanood.”



ALICE DIXSON. Naitanong din kay Lorna ang tungkol sa isyu kay Alice Dixson na lumabas din dito sa PEP.

Sa isang hiwalay na panayam ay sinabi nina Gardo Versoza at Rita Avila ang reklamo nila kay Alice sa taping ng TV5 primetime soap na Never Say Goodbye. Tinototoo raw kasi ni Alice ang mga eksenang sakitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dati na ring nagkasama sina Lorna at Alice sa teleserye ng TV5 na Glamorosa. Kumusta sila noon?

Sabi ni Lorna, “Okay naman, okay naman kami.

“Kasi ako naman, ever since, sinasabi ko na daya lang yung mga sampalan, malinaw na. Kasi, puwede naman yun.

“Like, noong ginagawa namin ang Glamorosa, ang dami kong natatanggap na comments na grabe raw yung sampalan, makatotohanan.

“Pero siyempre, hindi naman yun totoo.

“Ganoon talaga, kapag nagkakasakitan na, siyempre hindi mo maiiwasan posibleng may magalit. Kaya ayoko rin.

“Ako, hindi ko talaga tinototoo, kasi kapag sinabi ba na saksakin mo, sasaksakin mo talaga?

“O kaya, kapag sinabing patayin mo, papatayin mo ba talaga, di ba?”

Nang tanungin kung alam niya ang isyu ngayon kay Alice, sinabi ni Lorna na narinig na niya ang kuwento tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN