Pagkatapos ng tatlong taon ay nagbabalik-showbiz ang aktres na si Roxanne Guinoo. Sa pagkakataong ito ay isa na siyang Kapuso, kung saan gaganap siya bilang ina sa early primetime series na Home Sweet Home.

Photo: Noel Orsal

Tatlong taong hindi naging aktibo sa showbiz ang aktres na si Roxanne Guinoo mula nang siya ay mag-asawa.

Ikinasal si Roxanne sa young businessman na Elton Yap noong January 2011 at meron na silang dalawang anak—si Rain Eliana, magta-tatlong taong gulang at si Rylle, four months old.

Ikinuwento ng 2004 Star Circle Quest alumna ang dahilan ng hindi niya pagiging aktibo sa showbiz nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng latest family entertainment drama ng GMA-7, ang Home Sweet Home.

Saad niya, “Nag-focus kasi ako sa family ko.

“Ngayon, nag-e-exclusive breastfeeding ako sa baby boy kaya sa kanya muna ako naka-concentrate

“Yun nga lang, naisip ko din na mag-try uli dito sa GMA-7 na magka-work uli, kasi nami-miss ko na.

“Matagal na rin akong namahinga, pero ako rin, nag-isip sa sarili ko na dahil may asawa’t anak na ako, iinisip ko na hindi naman ako mabibigyan ng project kaagad.

“Pero, naniniwala ako na bukas pa rin ang pintuan para sa akin.”

Noong isang taon pa sana magbabalik-telebisyon si Roxanne sa pamamagitan ng GMA-7 series na My Daddy Dearest, pero dahil nabuntis siya muli kaya pinalitan siya ni Jolina Magdangal.



MOTHER ROLE. Handa naman daw si Roxanne sa pagkakaroon ng pagbabago pagdating sa mga role na gagampanan niya.

Tulad dito sa Home Sweet Home na isang mother role na ang ginampanan niya bilang si Dulce, ina nina Jake Vargas, Jillian Ward, at Rain Quite.

Si Raymart Santiago naman ang gumaganap bilang asawa niya.

Sabi ng dating Kapamilya star, “Okey naman sa akin.

“Kasi ako, gusto ko naman na mahaba ang buhay ko sa ganitong trabaho.

“Una, gusto ko siya, hilig ko siya.

“Mas gugustuhin ko na ganito, kasi marami din akong gustong gawin pa.