Roxanne Guinoo returns to the limelight; agrees to play mother role in first soap as Kapuso

Pagkatapos ng tatlong taon ay nagbabalik-showbiz ang aktres na si Roxanne Guinoo. Sa pagkakataong ito ay isa na siyang Kapuso, kung saan gaganap siya bilang ina sa early primetime series na Home Sweet Home.


Tatlong taong hindi naging aktibo sa showbiz ang aktres na si Roxanne Guinoo mula nang siya ay mag-asawa.

Ikinasal si Roxanne sa young businessman na Elton Yap noong January 2011 at meron na silang dalawang anak—si Rain Eliana, magta-tatlong taong gulang at si Rylle, four months old.

Ikinuwento ng 2004 Star Circle Quest alumna ang dahilan ng hindi niya pagiging aktibo sa showbiz nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng latest family entertainment drama ng GMA-7, ang Home Sweet Home.

Saad niya, “Nag-focus kasi ako sa family ko.

“Ngayon, nag-e-exclusive breastfeeding ako sa baby boy kaya sa kanya muna ako naka-concentrate

“Yun nga lang, naisip ko din na mag-try uli dito sa GMA-7 na magka-work uli, kasi nami-miss ko na.

“Matagal na rin akong namahinga, pero ako rin, nag-isip sa sarili ko na dahil may asawa’t anak na ako, iinisip ko na hindi naman ako mabibigyan ng project kaagad.

“Pero, naniniwala ako na bukas pa rin ang pintuan para sa akin.”

Noong isang taon pa sana magbabalik-telebisyon si Roxanne sa pamamagitan ng GMA-7 series na My Daddy Dearest, pero dahil nabuntis siya muli kaya pinalitan siya ni Jolina Magdangal.



MOTHER ROLE. Handa naman daw si Roxanne sa pagkakaroon ng pagbabago pagdating sa mga role na gagampanan niya.

Tulad dito sa Home Sweet Home na isang mother role na ang ginampanan niya bilang si Dulce, ina nina Jake Vargas, Jillian Ward, at Rain Quite.

Si Raymart Santiago naman ang gumaganap bilang asawa niya.

Sabi ng dating Kapamilya star, “Okey naman sa akin.

“Kasi ako, gusto ko naman na mahaba ang buhay ko sa ganitong trabaho.

“Una, gusto ko siya, hilig ko siya.

“Mas gugustuhin ko na ganito, kasi marami din akong gustong gawin pa.

“Gusto kong maging kontrabida, okey lang ang mother role… kahit ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta maganda ang role tulad dito na pambata, tapos mapapanood pa siya ng mga anak ko.

“Pero I’m looking forward na magkaroon din ako ng isang drama show.”



FAMILY FIRST. Hindi kaya maapektuhan ang relasyon nilang mag-asawa ngayong nagbabalik siya sa showbiz? Magiging busy kasi siya ulit at baka mawalan ng sapat na panahon upang asikasuhin ang kanyang pamilya.

Sabi ni Roxanne, “Hindi naman siguro. Kasi, like dito, light lang ang role ko.

“Nagbe-breastfeeding pa ako sa bunso ko, kaya time management lang talaga.

“Tsaka, kaming mga-asawa, kung anuman ang nagiging desisyon ko, pinag-uusapan namin.

“So, mutual ang nagiging resulta ng aming desisyon.”

Dagdag niya, “Buo ang loob ko na asikasuhin ang family ko and at the same time, ang magtrabaho.

“Ang gagawin ko, pag nasa work ako, yung puwede kong gawin na pambahay ay gagawin ko.

“Ima-manage ko lang ang lahat.”



NO NEED TO WORK? Mula raw sa mayamang angkan ang naging asawa ni Roxanne. Kaya tinatanong sa aktres kung bakit kailangan pa niyang magtrabaho.

Sabi niya tungkol dito, “A, hindi naman. Hindi porke’t he can provide ay hahayaan ko na lang sa kanya lahat. Hindi naman puwedeng ganun.

“Nagtutulungan naman kami sa maraming bagay.

“Yung asawa ko naman, basta kung ano ang gusto ko, hinahayaan niya lang ako.

“Halimbawa, gusto kong tumulong sa pagbili ng groceries o anything for our kids, okey lang sa kanya.”

Tanggap din ng asawa niya na muli siyang bumabalik sa limelight at hindi ito dahilan para magkaproblema sila.

“Hindi naman,” giit ni Roxanne. “Marami naman kaming kinu-consider na bagay.

“Pamilya kami kaya hindi kami nagpu-focus sa mga negative things.

“Hindi naman makitid ang utak ng asawa ko na gawin niyang isyu ang pag-aartista ko.

“Hindi naman siya selfsh. Gusto rin niyang gawin ko ang mga bagay na nagpapasaya sa akin.”



LIMITATIONS. May limitasyon bang sini-set ang kanyang asawa sa pagtanggap ng roles o sa oras ng kanyang pagtatrabaho?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Roxanne, “Wala namang limitations.

“Ako naman, as a wife, may mga bagay naman na bakit ko kailangang gawin kung hindi naman dapat, di ba?

“Ako na mismo ang gagawa ng paraan na hindi ko masasagasaan yung mga taong mahal ko.

“Malaki naman ang respeto ko sa asawa ko, sa pamilya niya at pamilya ko, kaya inilalagay ko na lang ang sarili ko.

“Alam ko namang may asawa ako o may anak ako, so ba’t ako tatanggap ng roles na alam kong magkakaproblema ako?”

Pinaninindigan din ni Roxanne na hindi dahilan ito para magselos ang kanyang asawa.

“Hindi naman. Bakit naman siya magseselos? Kasi alam kong may tiwala siya sa akin.

“Ang ipinagpapasalamat ko na lang sa asawa ko ay hindi nawawala ang pag-aalala niya sa akin.

“Pag nagtatrabaho ako, siya talaga ang naka-hands-on sa dalawa ko.

“May mga duties ako bilang babae na sinasalo niya.”

May mga nagsasabi namang puwedeng-puwede pa siyang mag-pose sa FHM bilang isang Hot Momma katulad ni Sunshine Cruz.

“Ay sus!” natatawang reaksiyon ni Roxanne.

“Tingnan mo naman ang katawan ni Sunshine, sobrang ganda at may korte pa.

“Hindi naman ako puwede diyan, para na akong balyena!

“Siguro, hindi na.”



JOROSS GAMBOA. Nabanggit naman ng PEP kay Roxanne ang tungkol sa ex-boyfriend niyang si Joross Gamboa, na malapit na ring ikasal sa longtime girlfriend nito.

Sabi ni Roxanne, “Ikakasal na nga raw siya. Good luck sa kanya.

“Mag-iiba na ang mundo niya kapag may asawa na siya lalo na kapag may anak na siya.

“Sana ma-survive niya kasi obligasyon ‘yan na panghabambuhay.

“Kaibigan ko naman siya kahit matagal nang hindi nagku-krus ang landas namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN