Ipinagkikibit-balikat lamang ni Jillian Ward ang pagtatapat sa kanila ng bagong child sensation na si Ryzza Mae Dizon. Sabi pa nga ni Jillian ay magge-guest siya sa talk show ni Ryzza isa sa mga araw na ito.

Photo: Noel Orsal

Eight years old na ngayon ang Kapuso child star na si Jillian Ward.

Noong four years old si Jillian ay sumali siya sa “Little Miss Philippines” ng Eat Bulaga!.

Pagkalipas ng ilang taon ay gumawa siya ng isang TV commercial, na nagbigay-daan para mapansin siya ng GMA-7 at maging artista.

Chubby-looking si Jillian noon, pero nang makita siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Home Sweet Home noong Martes, April 16, ay pumayat na ito tumatangkad na rin.

Kaya ang biro ng entertainment press kay Jillian, dalaga na siya.

Pero umapela ito sa pagsasabing “Hindi pa po ako dalaga. Bata pa po ko, ‘no. Eight years old pa lang ako.”

Bakit siya pumayat? Nagda-diet ba siya?

“Hindi po, no junk foods lang po,” sagot ni Jillian.

JAKE'S NEW LOVETEAM PARTNER? Noong ini-interview namin siya ay katabi niya ang gumaganap na kuya niya sa show na si Jake Vargas. 

Biniro si Jillian na dahil dalaga na siya, siya na ang bagong ka-loveteam ni Jake at hindi na si Bea Binene.

Pero natatawang sabi ni Jillian, “Paano po ‘yan, e, kapag lumaki na ako, e, lolo na 'yan.”

Kapag nagdalaga na siya, sino ang gusto niyang makapareha?

“Kahit sino,” sagot niya.

Dapat magsabi siya ng isang gusto niyang actor.