Jillian Ward’s new crush is Alden Richards: "Kasi, mabait po."

Ipinagkikibit-balikat lamang ni Jillian Ward ang pagtatapat sa kanila ng bagong child sensation na si Ryzza Mae Dizon. Sabi pa nga ni Jillian ay magge-guest siya sa talk show ni Ryzza isa sa mga araw na ito.


Eight years old na ngayon ang Kapuso child star na si Jillian Ward.

Noong four years old si Jillian ay sumali siya sa “Little Miss Philippines” ng Eat Bulaga!.

Pagkalipas ng ilang taon ay gumawa siya ng isang TV commercial, na nagbigay-daan para mapansin siya ng GMA-7 at maging artista.

Chubby-looking si Jillian noon, pero nang makita siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Home Sweet Home noong Martes, April 16, ay pumayat na ito tumatangkad na rin.

Kaya ang biro ng entertainment press kay Jillian, dalaga na siya.

Pero umapela ito sa pagsasabing “Hindi pa po ako dalaga. Bata pa po ko, ‘no. Eight years old pa lang ako.”

Bakit siya pumayat? Nagda-diet ba siya?

“Hindi po, no junk foods lang po,” sagot ni Jillian.

JAKE’S NEW LOVETEAM PARTNER? Noong ini-interview namin siya ay katabi niya ang gumaganap na kuya niya sa show na si Jake Vargas.

Biniro si Jillian na dahil dalaga na siya, siya na ang bagong ka-loveteam ni Jake at hindi na si Bea Binene.

Pero natatawang sabi ni Jillian, “Paano po ‘yan, e, kapag lumaki na ako, e, lolo na ’yan.”

Kapag nagdalaga na siya, sino ang gusto niyang makapareha?

“Kahit sino,” sagot niya.

Dapat magsabi siya ng isang gusto niyang actor.

“Ayoko, si Daddy ko, siya na lang.”

Hindi naman artista ang daddy niya.

“Para sa akin, artista ang daddy ko.”



JILLIAN’S CRUSH. Pero napilit pa rin si Jillian na magsabi kung sino talaga ang gusto niya sa hanay ng mga young actors ngayon. Ibinuko ng mommy niya na si Alden Richards daw ang paborito nito ngayon.

Hindi naman nakasagot at natawa na lang si Jillian nang tanungin namin kung crush niya ba si Alden.

Nalaman din namin na sinabihan na raw ni Alden si Jillian na hihintayin nitong lumaki si Jillian at magiging magka-partner din sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa na naman si Jillian.

Ano naman ang reaksiyon niya nang sabihin sa kanya yun ni Alden?

“Wala lang naman po.”

Bakit niya gusto si Alden?

“Kasi, mabait po.”

Maggi-Grade 2 na raw si Jillian sa darating na pasukan.

Sa eskuwelahan ba nila ay alam ng mga kaklase niya na artista siya?

“Opo,” nakangiting sagot ni Jillian.

Nagpapa-picture at nagpapa-autograph ba ang mga ito sa kanya?

“Opo, yung mga mommy rin nagpapa-picture.”



HOME SWEET HOME. Ano ang role niya sa Home Sweet Home?

“Ako po ang anak ni Tito Raymart [Santiago] at kapatid ni Kuya Jake. At saka, anak ni Tita Roxanne [Guinoo].

“Meron po akong mabait at meron po akong doppelganger.”

Masaya siya sa Home Sweet Home?

“Opo, para nga po akong hindi nagte-taping, para lang akong naglalaro.”



JILLIAN VS. RYZZA MAE. Hindi naman maiwasang maikumpara si Jillian sa bagong child wonder na si Ryzza Mae Dizon, dahil na rin sa popularidad ngayon ng Eat Bulaga! mainstay.

Ano ang nararamdaman niya kapag ikinukumpara siya kay Ryzza?

Sagot niya, “Wala naman po.

“Kasi ano, parang wala lang naman po. Kasi, hindi rin naman po totoo ang sinasabi nila.”

Maggi-guest ba siya sa show ni Ryzza na The Ryzza Mae Show?

“Opo, maggi-guest nga raw po ako.”

Ano ang masasabi niya kay Ryzza?

“Nakakatuwa po, para ko nga po siyang baby sister. Sabi po kaya sa kanya ng baby sister ko, baby.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN