Gerald on having Nora Aunor and Kuya Germs as his special guests during his recent concert: ''Overwhelmed ako sa dami ng nanood lalo pa at nanood si Ate Guy mula umpisa hanggang end ng concert. Sobrang honored at the same time ay humbled ako sa ginawang yun ng Superstar ganun din si kuya Germs!"

Photo: File

Naging matagumpay ang second major concert ni Gerald Santos noong April 23 sa Music Museum kaya naman nasa cloud 9 pa rin ngayon ang singer at masayang-masaya sa naging resulta ng kaniyang palabas.

Kahit alanganing araw at kasabay pa ang concert ni Daniel Padilla sa Araneta Coleseum, hindi pa rin iniwan ang tinaguriang Prince of Ballad ng kaniyang mga tagahanga at taga-suporta.

Dumagdag pa sa kasiyahan niya ang pagpunta at panonood ng Superstar na si Nora Aunor na tinapos ang concert at nagbigay pa ng standing ovation sa kanya.

Itinuturing ni Gerald na isang napakagandang pangyayari sa buhay niya ang tagpong iyun kaya naman isa si Nora sa mga inalayan niya sa kaniyang espesyal na pagtatangahal. 

''Overwhelmed ako sa dami ng nanood lalo pa at nanood si Ate Guy mula umpisa hanggang end ng concert.

“Sobrang honor at the same time ay humbled ako sa ginawang yun ng Superstar ganun din si Kuya Germs!" bungad ni Gerald nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi sa isang recording studio sa Quezon City.

"Basta mahal ko po sila. Kung kailangan nila ako, anytime ay available po ako.''

AWED BY THE SUPERSTAR. Bago pa man ang concert, hindi umaasa ang binatang singer na pupuntahan siya ni Nora at papanoorin nito.

Very vocal ang binata sa pagsasabing isa sa mga inspirasyon niya sa pagkanta ang beteranang aktres. Malaki ang paghanga at pagrespeto niya sa tinaguriang Superstar ng Philippine Showbiz.

Sabi nga niya, "I’ve watched her movies at grabe ang husay niyang umarte.

“Legitimate singer din po kasi si ate Guy na nag-cross over sa movies. Yun po yung path na gusto po sana namin para sa akin.

“Legit singer turned into a great [if not the greatest] Filipino actor si Ate Guy. At hangang-hanga rin ako sa pagmamahal sa kanya ng kanyang mga fans.

“Ibig lang sabihin ay may napakaganda siyang pakikitungo sa kanyang mga fans.

“That's something... na tumanda na at yumaman na ang mga fans niya pero solid pa rin sila kay Ate Guy. In terms ng pagkanta, nakaka-relate din ako sa kanya.