“Ayoko naman talaga ng mga intriga. But like I always say, you can’t avoid it. Kasali na rin ‘yan sa line of work natin, di ba? Ever since naman, ayoko. Ayoko talaga. Pero, I’m the type of person kasi na I’m going to live my life as I wanted," pahayag ni Anne Curtis tungkol sa pagharap sa mga intriga.

Photo: Noel Orsal

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne Curtis noong Biyernes, May 17, habang naghihintay ng segment niya sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime

Naikuwento ni Anne sa amin na baka sa June o July pa simulan ang shooting ng bago niyang pelikula.

Nagkataon daw kasi na pumasok ang Annebisyosa World Tour concert niya sa Amerika.

Sabi ni Anne, “Siyempre, when it comes to that, you have to wait for the producer. So, ito, meron na.”

Nakapag-show na siya sa Hong Hong bilang parte pa rin ng kanyang Annebisyosa world tour.

At sa pagkakataong ito ay sa Amerika naman magpe-perform si Anne— dalawang shows sa Pechanga Resort & Casino sa California.

Ayon kay Anne, “Sa June 15 and 16 yung show. 

"Excited na ako kasi alam ko, all the people are excited kasi hindi nila napanood dito.

“Ito talaga ang dream ko—makatapak ang concert ko sa abroad. 

“Ito na yun, e. At billboard pa, ha!

"Chepanga Resorts and Casino—same stage as Billy Idol. 

“Before me, it’s Il Divo, Billy Idol, Paul Anka, siya yung right before me.

“Then after me, it’s Cyndi Lauper.

“Kaya nga noong nakita ko yung hairstylist na na-meet ko sa States... hindi siya Filipina ha, pero sabi niya, ‘Hey, I saw a billboard.’

“I said, ‘Are you sure?’