Isasadula sa drama anthology ng GMA-7 na Magpakailanman ang bahagi ng buhay ni Charice tungkol sa kanyang paghihirap bago siya umamin na isa siyang tomboy at ang pag-iibigan nila ng girlfriend niyang si Alyssa Quijano.

Photo: Allan Sancon

Tampok sa drama anthology ng GMA-7 na Magpakailanman ang "The Charice Pempengco Story" sa August 10, Sabado.

Si Charice mismo ang gaganap sa kanyang sarili, at kakaibang challenge daw ito sa kanya dahil ang daming mahihirap na eksenang kailangan niyang balikan sa alaala at iaarte pa niya ito.

Sabi ng international singing sensation sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ginagawa ko yung isang scene na sobrang mabigat yung pain para sa akin.

"Although, siyempre better para sa scenes yung acting, pero ang hirap.

“Yun yung pinaka-challenging kasi talagang ang sakit.

"Alam mo yung ia-act ko and then after nun, panonoorin ko yung sarili ko kung ano yung ginawa ko. Bumabalik, e, nasasaktan.

“Parang ang sakit, pinapanood ko yung sarili ko.

"Yun din isa sa mga reason na gusto ko rin makita ng mga tao na... parang gusto kong ipakita sa kanila na ito yung nararamdaman ko nung time na ang dami-daming bumabatikos sa akin, nung time na dyina-judge nila ako.

"I want… parang gusto kong ipakita na yun yung kalagayan ko.”

Ang tinutukoy ni Charice ay ang paglantad niya sa publiko na isa siyang tomboy o lesbian.

NO NEED FOR HER FAMILY'S PERMISSION. Nilinaw rin ni Charice na kaya siya pumayag na isadula sa Magpakailanman ang kuwento ng buhay niya ay hindi para kalabanin ang pamilya niya, kundi gusto lang niyang ipakita sa lahat ang mga pinagdaanan niya magmula nung mag-out siya, at kung ano rin ang hirap na pinagdaanan nila ng karelasyon niyang si Alyssa Quijano.

“Wala naman kaming intensiyon na kumbaga… may ilabas na kahit anong magiging controversy or anything.

"Basta lahat ng ilalabas namin dito sa Magpakailanman, totoo.

“Siyempre, although there are still kumbaga parte ng buhay ko na sobrang private na hindi pa namin dapat ilabas, pero most of it, totoo.