Charice named "Hottest Lesbian in the World"

Ito ang reaksiyon ni Charice sa pangunguna niya sa listahan ng "Hottest Lesbians in the World": "Actually iniisa-isa ko pa, e, akala ko medyo nasa dulo ako, ganyan. Ang lupet nun and ano, sige, mabuhay ang mga shiboli [lesbians]!”


Marami ang nabigla nang ipinost ni Charice ngayong araw, July 11, sa kanyang Instagram account ang kanyang bagong hairdo—semi-blonde, short, and spiky.

Ang tanong: Bakit nga ba siya nagbago ulit ng kanyang hairdo?

Sa ulat ng Aksyon, ang primetime newscast ng TV5 ngayong gabi, ipinaliwanag ni Charice kung bakit nagbago na naman siya ng style ng buhok.

Aniya, “Para sa album ko po na lalabas very, very soon, and a change is good.

"Wala kaming pinagkokopyahan na any artist or ano...

"Well, nakita lang namin just random pictures online and then sabi ko, ‘Ito gusto ko.’”

Dagdag pa sa ulat, feel na feel daw ng international singing sensation ang kanyang bagong hairstyle.

At para daw ma-enchance ang kanyang bagong look ay nagmi-make up na siya ulit.

Sabi ni Charice, “So ngayon, ito na talaga. Gusto ko ’to and astig, buma-bad-bad…

"No, I mean, I love it.

"Yung mga hairstyle ko before… long hair… kung ano man yun, hindi ko niri-regret yun, I liked them.

"Just this time, I love this.”



HOTTEST LESBIAN IN THE WORLD. Samantala, hindi naman makapaniwala si Charice na siya ang itinanghal na "Hottest Lesbian in the World" ng multi-awarded US LGBT website na autostraddle.com.

Matatandaang noong Mayo 2013 ay matapang na humarap si Charice sa The Buzz upang amining siya ay isang tomboy.

Ayon sa website, ang autostraddle.com ay: “Intelligent, hilarious & provocative voice and a progressively feminist online community for a new generation of kickass lesbian, bisexual & otherwise inclined ladies (and their friends).”

Out of 105 lesbians, si Charice ang nanguna sa listahan sa buong mundo.

Description ng autostradlle sa Pinay singer, “We f****ng love this girl so hard. Charice started performing as a child, participating in nearly 100 contests and eventually making it to the final rounds of Little Big Star in 2005. Her big debut actually came via YouTube about two years later when Dave Dueñas’ posting of Charice’s performance videos racked up over 15 million hits, making her an official Internet Sensation. From there things basically took off — she made a demo with Ten Songs/Productions in Sweden, appeared on South Korean talent show Star King and eventually made her first trip to the United States in December 2007 to appear on The Ellen DeGeneres Show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Her debut album, Charice, was released in May 2008 and would eventually go platinum in The Philippines. Oprah Winfrey featured Charice in her "World’s Most Talented Kids" episode which led to Charice working with music producer David Foster, which led to her appearing on Hitman: David Foster and Friends, which became a thing on PBS, apparently, and also at some point Oprah called Charice ’the most talented girl in the world.’

"Charice performed at Andrea Bocelli’s birthday concert and performed with Celine Dion and by 2009 was performing at US presidential pre-inaugural events and pre-Oscar award events and at major league baseball opening games. (In 2010, she’d sing the Philippine National Anthem at the inauguration of Philippine President Benigno Aquino III.)

“She released her second, 22-track album, My Inspiration, in May 2009, which included a duet with her Mom, which is adorable. The album went platinum in The Philippines and her first single debuted high on U.S. and Canadian Billboard charts. Her international debut album Charice, released May 2010, reached #8 on the Billboard charts and she popped up all over the U.S., like that time she was on Oprah with Justin Bieber and that time she played Sunshine Corazon in Season Two of Glee.

“Charice has been struggling with her family since coming out a month ago, but is finding love/happiness with her girlfriend Alyssa Quijano, who sings in the female vocal group AKA Jam and was a contestant on The X Factor Philippines, where Charice was a judge on the show. She’s currently working on her third studio album, which she says will contain a lot of cover songs and has returned to twitter on a new handle and her fans remain behind her. Maybe she should return to Glee and date Santana or something. OH MY GOD WHAT IF SHE RETURNED TO GLEE AND DATED SANTANA OR SOMETHING.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang reaksiyon ni Charice sa pagkakahirang sa kanya bilang "Hottest Lesbian in the World"?

“[Ano] ibig sabihin, paano nangyari ’to out of 105, di ba?

"Actually iniisa-isa ko pa, e, akala ko medyo nasa dulo ako, ganyan.

"Ang lupet nun and ano, sige, mabuhay ang mga shiboli [lesbians]!”



DREAM CONCERT AND ALYSSA. Masaya namang ibinalita ni Charice na matapos ang kanilang duet ni Aiza Seguerra ay magsasama sila sa isang concert sa September 28 sa Smart Araneta Coliseum.

Ang wish daw niya, “Siyempre sa bawat trabaho naming ginagawa ko, lagi kong iniisip na sana, lalo ngayon, lagi kong iniisip na sana makita nila [her family] ’to.

"Sana makita nila yung hardwork na ginagawa ko para sa album.

"Siyempre isa rin sila sa inspirasyon ko—napakalaking inspirasyon.”

May hidwaan ngayon sa pagitan ni Charice at ng kanyang pamilya, partikular na ang kanyang ina na si Raquel Pempengco, dahil sa ginawa niyang pag-amin at sa kanyang relasyon kay Alyssa Quijano.

May mensahe naman si Charice sa mga netizens na "nambabasag ng trip" nila ni Alyssa tuwing naglalambingan sila sa social media.

Sabi niya sa Twitter: “That’s u, you know we’re normal like others so san yung ibang kj (killjoy) huwag maano dahil I’m pretty sure if I see them na ganun din sa twitter baka ganunin ko din sila na bat ang sweet niyo sa twitter? Buhay niyo, buhay namin, that’s it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN