When asked about the extreme challenge she has faced in life, Sarah Geronimo replied, “Pinaka-recent yung The Voice of the Philippines, kasi it came to a point na parang ayaw ko na. Kasi, ang daming bashers, di ba?”

Photo: Noel Orsal

Itinuturing ni Sarah Geronimo na isa sa mga “extreme” challenge sa kanyang career ang pagiging coach sa katatapos pa lamang na The Voice of the Philippines.

“It came to a point na parang ayaw ko na,” sabi ng 25-year-old singer-actress sa maiksing interbyu matapos ang pagpirma niya muli ng kontrata para sa iniendorso niyang Xtreme Magic Sing kaninang tanghali, October 16, sa Rembrandt Hotel sa Quezon City.

Patuloy pa ni Sarah, “Kasi, ang daming bashers, di ba?

"Parang, ‘Oy, hindi siya credible,’ ‘Wala namang sense ‘yong sinasabi niya,’ o maarte raw ako masyado sa Blind Audition kasi di ako ganun ka-frequent umikot.

“Pero tinanggap ko ‘to and kailangan pangatawanan ko yung trabaho o yung task na ibinigay sa akin.

“Kailangan talagang malagpasan ko.

“Hindi naman with flying colors, pero kailangan mabigyan ko siya ng hardwork, ng dedication, so talagang tinapos ko.”

Si Sarah ay isa sa apat na coaches ng naturang reality-singing talent show ng ABS-CBN na hango sa American show na The Voice. Ang iba pang mga coach na kasama niya ay sina Lea Salonga, Bamboo Mañalac, at Apl de Ap.

Sa kabila ng mga negatibong komento tungkol sa kanya, ipinagpatuloy raw ni Sarah ang kanyang trabaho dahil naisip niya, “This is not about me anymore. Hindi na ako ‘yon e.

“So what kung i-bash nila ako. Hindi naman ako ‘yon, e.

“Yung artist ko ‘yon, yung team ko.

"So, talagang nag-concentrate na lang ako sa kanila at natapos ko naman.”

Kaya bagamat may ilang ayaw sa kanya na maging coach sa naturang programa, hindi ito naging hadlang para muling tanggapin ang trabaho para sa ikalawang season ng The Voice of the Philippines.

Kinumpirma niya kanina, “Nag-yes na po kami for the second season.

“Noong una, ayaw ko kasi traumang-trauma na ako, e.