Hindi napigilan ni Anne Curtis ang maging emosyunal habang nagpapasalamat sa mga patuloy na naniwala sa kanya, sa kabila ng isyung kinasangkutan niya bago natapos ang 2013. Ikinatuwa ng Kapamilya actress na siya ang gaganap bilang Dyesebel sa pagbabalik nito sa telebisyon.

Photo: Noel Orsal

Si Anne Curtis ang napili ng ABS-CBN na gumanap bilang bagong Dyesebel.

Pormal na inanunsiyo sa media ang pagkakapili kay Anne sa isang press conference na ginanap kahapon, January 9, sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Kasamang humarap ni Anne sa entertainment press ang dalawang leading men niya sa teleserye na sina Sam Milby at Gerald Anderson.

Hindi napigilan ng aktres ang maging emosyunal sa presscon.

Ito rin kasi ang unang pagkakataong humarap si Anne sa entertainment press pagkatapos pumutok ang balita tungkol sa slapping incident na kinasangkutan niya noong November 2013.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

WHY ANNE? Ikinuwento naman ni Biboy Arboleda, head of Ad and Promo ng Dreamscape business unit, kung paano napili si Anne para maging Dyesebel.

"Ang pinagbasehan po namin na pamamaraan sa pagpili o paghirang, management ran a marketing research survey and, hands down, in all levels of survey and multi-platforms, Miss Anne Curtis topped the list," saad ni Biboy.

Tinanong si Anne kung ano ang masasabi niya na siya pa rin ang nanguna sa nasabing survey, sa kabila ng kinasangkutan niyang insidente sa Privé Luxury Club noong nakaraang taon.

Tugon ng Kapamilya actress, "Siguro sa lahat ng mga taong naniwala na kaya kong i-portray si Dyesebel, maraming-maraming salamat for keeping that kind of faith in me...

"Na hindi [ako] nakalimutan dahil lang sa isang hindi magandang bagay  na nangyari..."

Dito sa puntong ito ay nagsimula nang mabasag ang boses ni Anne dahil sa pagiging emosyunal.

Paliwanag niya, "First time ko kasing humarap sa ganitong karaming press after everything, so salamat for that kind of faith in me.

"At sa mga hindi naman [naniwala], God bless you na lang po.