Magpapaalam na sa ere sa Biyernes, January 17, ang Studio 23 matapos ang lagpas sa labing-anim na taon nito sa broadcast industry. Papalitan ito ng bagong ABS-CBN Sports + Action, ang bagong sports channel ng Kapamilya network.

Photo: Arniel C. Serato

Matapos ang labing-anim na taon sa TV industry, tuluyan nang magpapaalam sa ere ngayong araw, January 17, ang Studio 23.

Papalitan ito ng ABS-CBN Sports + Action simula bukas, January 18.

Ang Studio 23 ang UHF channel ng ABS-CBN. Inilunsad ito noong October 1996. 

Simula naman Sabado, ang ABS-CBN Sports + Action na ang free-TV sports channel ng Kapamilya network.

Kuwento ni March Ventoza, head ng Narrowcast group ng ABS-CBN, “Well, we started developing the concept almost a year… it took us almost a year to figure it out really well.

"And then we decided to launch it now… in January. So, our first broadcast will be on Saturday, January 18."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ventoza sa launching ng bagong shows ng ABS-CBN Sports + Action kahapon, January 16, sa T.G.I. Friday’s, Glorietta 3, Makati.

Inusisa ng PEP kung bakit hindi nila ni-retain ang pangalang Studio 23.

Paliwanag niya, “Well, Studio 23 is a strong brand that’s associated more with entertainment than with sports.

“In the old programming grid, Studio 23… we only had about… the reverse, e, siguro 30 percent sports lang.

"This time around, we're shifting the other way, and really to put a stamp of our commitment... we're here to put the ABS-CBN name now forward."

FULL-SPORTS CHANNEL. Mula sa pagiging alternative station pagdating sa entertainment, magiging full-sports channel na ang bagong bihis na network.

Saad ni Ventoza, “I think our commitment to sports has always been there, that is very clear.

"We decided on a full sports channel when we figured that there’s a lot more to present to the audience.