Pinili ni Jasmine Curtis-Smith na huwag na lang makialam sa isyung kinasangkutan kamakailan ng kanyang ateng si Anne Curtis at Sam Concepcion, ang napapabalitang boyfriend ni Jasmine.
Sa April 1 report na inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabing noong March 30, sa birthday celebration ni Vice Ganda sa Gramercy sa Makati, ay inalipusta ni Anne si Sam, at sinabihan ang binata na ito ay "not classy enough" para mapasama sa nasabing okasyon.
Nilait din daw ni Anne ang sasakyan ni Sam.
Sa ilang sumunod na reports sa mga pahayagan, sinabi namang ipinagtanggol lang ni Anne ang nakababatang kapatid na si Jasmine, dahil may ibang babaeng nauugnay kay Sam.
Dito ay pinangalanan nila si Julia Barretto.
Read: Julia Barretto clarifies rumors linking her to Sam Concepcion
Noong April 5, matapos ang live airing ng SPINNation sa Ocean Adventure Park sa Maynila, kinapanayam ng PEP.ph at iba pang miyembro ng press si Jasmine.
Ang nakababatang kapatid kasi ni Anne ang host ng nasabing social media music show ng TV5 tuwing Sabado ng gabi.
Espesyal ang nasabing episode dahil 20th birthday celebration iyon ni Jasmine.
Sa interview, diretsang tanong ng PEP.ph kay Jasmine: Ano ang reaksiyon niya sa pagkaka-link kina Sam at Julia?
"You know what, honestly, I'm sorry but it's not my issue to speak of," paiwas na sagot ng dalaga.
"I dont know where that came from. I don't know how her name popped up. So, whatever you guys you want to believe, it's up to you guys."
Nauna nang itinanggi ni Julia na may namamagitan sa kanila ni Sam, na katrabaho niya sa kasalukuyang teleserye ng ABS-CBN, ang Mirabella.
Ani Julia, isang kuya ang tingin niya kay Sam.
"THAT'S NOT MY ISSUE." Naging mailap din si Jasmine nang matanong sa nangyaring insidente sa pagitan nina Anne at Sam.
"I believe that's not my issue to clear up. I'd rather speak of happy things.
"This is my birthday, and I'm sorry, I really don't think I should answer that."
Inulit niya, "I was not there, it's not for me to clear up, it's not my problem."
Inamin ni Jasmine na kinausap niya sina Sam at Anne sa telepono upang malaman ang totoong nangyari.
Aniya, naging totoo ang dalawang panig sa pagsabi ng kung ano ang nangyari, ngunit ani Jasmine, nangako siyang hindi niya ito ipagsasabi.
Naapektuhan ba ng insidente ang closeness nila ni Sam?
"No, my relationship with anyone has not changed—my sister, my family, with Sam. It's all the same.
"It all boils down to communication. If you know how to communicate, then you're set."
Sa mga oras na iyon ay hindi pa raw sila nagkikita ni Sam dahil ilang araw ang ginugol ni Jasmine sa taping ng kanyang upcoming acting project, ang Dementia, kasama si Nora Aunor.
"I haven't seen him since I got back from Bulacan because I think he's also been busy with rehearsing for Tito Gary's [Valenciano] concert.
"So, ayun, busy rin ako with SPINNation.
"We've been texting."
Inusisa ng press si Jasmine kung talaga bang inalipusta ni Anne si Sam, pero naging maingat sa pagsagot ang dalaga.
"Basta ako, wala ako do'n. I was busy with tapings for Dementia. I was in Bulacan. I was in Batanes for ten days before.
"Whatever happened, that's only with the people who were there, and between the both of them, who really know what happened."
Diin pa ni Jasmine, "And I refuse to be involved because I was not there. I don't want to make the issue bigger, and it's up to them whatever comes out.
"I'm not in the position to speak."
Inamin naman ng actress-host na apektado siya ng mga isyung lumabas kamakailan.
"But at the same time, it's part of showbiz," sabi ng aktres na lumaki sa Australia.
"People will talk whether you want it or not, whether good or bad.
"So you just live with it.
"Sabi nga ni Ate [Anne], learn the art of deadma, and eto na 'yon! Bahala sila, mag-usap sila kung gusto nilang ganyan, okay lang.
"Basta kami, nagdadasal kami dito for her fast recovery, for her to get better soon."
Noong April 3, sa set ng Dyesebel sa Batangas, nadikitan sa torso ng makamandag na dikya o box jellyfish si Anne. Ginagamot na ito sa St. Luke's Global City.
Dagdag pa ni Jasmine, nagsusuportahan daw silang magkapatid, lalo na sa mga ganitong pagkakataon.
"Family is always there for her no matter if it's a health condition or emotional matter that you're going through. We're always there for each other, regardless if people support it or not.
"You are there to understand the matter that they're going through."
Dagdag pa ni Jasmine, gusto niyang ituon ang pansin sa mga positibong bagay.
"It's my birthday, so I'm focusing on the happy thoughts and my family being here and being happy.
"Life is so short, so why focus on the negative things when there are so many things to be thankful for?"
