Ikinagulat ni Julia Barretto ang isyu na nali-link diumano siya sa Mira Bella co-actor niyang si Sam Concepcion.
Natatawa na lamang ang dalagang anak ni Marjorie Barretto nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa launch ng Bench Whitening Lotion, na iniendorso ng pinsan niyang si Dominique Cojuangco, kagabi, April 4.
"I don't know. Mayroon?" nakangiting sabi ni Julia sa media.
Isa si Julia sa mga hinihinalang dahilan kung bakit umano nasabi ni Anne kay Sam, "Ba't mo niloloko ang kapatid ko?"
Ito ay nangyari nang kinumpronta ni Anne Curtis si Sam sa isang bar sa Makati.
Si Sam ang napapabalitang boyfriend ng nakababatang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis Smith.
Subalit giit ni Julia, hindi siya dapat ma-link kay Sam dahil, "Si Sam, he's like my kuya talaga, because nakatrabaho ko siya when I was nine years old sa Walang Kapalit.
"So, growing up, I always see him as my kuya, I don't know."
Dagdag pa niya, "Wala talaga, at saka kilala n'yo naman ako, career muna ang focus ko right now."
Diretsahang tinanong ng press si Julia kung nanliligaw sa kanya si Sam, agad naman niyang tugon, "No, not at all!"
Tinatawanan na lamang ni Julia ang isyu habang ini-interview siya ng press dahil, aniya, "Kasi naman nakakatawa talaga. Alam mo yung kuya mo, 'tapos...
"It's showbiz pero nakakatawa talaga kasi kuya talaga ang tingin ko sa kanya."
Sa ngayon ay hindi pa raw niya nakakausap si Sam dahil on break sila ngayon sa taping ng Mira Bella.
Pagkatapos pa raw ng Holy Week magre-resume ang taping, sakto rin sa pagbabalik ng co-actors pa nilang sina Enrique Gil at Pokwang, na magkakaroon ng show sa ibang bansa.