Ayon sa PEP source, matagal daw pinag-isipan ni Kris Aquino ang magbalik sa dati nilang showbiz talks show na The Buzz, kung saan muli niyang makakasama si Boy Abunda at si Toni Gonzaga.

Photo: ABS-CBN / Allan Sancon

Huling episode na nga ba ng Buzz Ng Bayan ng ABS-CBN kahapon, May 11?

Balita kasing sa susunod na Linggo, May 18, muling magbabalik ang The Buzz, ang longest-running talk show ng ABS-CBN bago ito nagpaalam sa ere noong October 13, 2013.

Ang mga host ng show nang ito’y nagpaalam—after 14 years sa ere—ay sina Boy Abunda, Charlene Gonzalez, at Toni Gonzaga.

Ang original hosts ng show nang nagsimula itong umere noong 1999 ay sina Boy at Kris Aquino.

Kalaunan, naging co-host ng show si Cristy Fermin. Naging bahagi rin ng programa sina Ruffa Gutierrez at KC Concepcion.

October 20, 2013 naman nagsimula ang Buzz Ng Bayan, kung saan ang nakasama ni Boy bilang hosts ay sina Carmina Villarroel at Janice de Belen.

MAGBABALIK ANG… THE BUZZ. Sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono, nagtanung-tanong ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ilang ABS-CBN insiders tungkol sa balitang lumabas na last episode na kahapon ng Buzz Ng Bayan.

Wala kasing pahiwatig ang mga host sa show kahapon na huling episode na nila ito, kung sakaling may katotohanan ang balita.

Sabi ng unang PEP source, “The Buzz na sa Linggo.”

Mananatili raw si Boy bilang host, ngunit ang makakasama na niya ay ang Queen of All Media na si Kris Aquino at ang Multimedia Star na si Toni Gonzaga.

Ayon sa pangalawang source, “Hindi ko pa alam kung tuloy, e. Ang alam ko, Buzz Ng Bayan pa rin, pero mag-iiba lang ng hosts.”

Sabi naman ng pangatlong source ng PEP, “Wala pang announcement, e, as of last meeting, noong Saturday.”

May isa ring tinawagan ang PEP sa news department ng ABS-CBN, ngunit hindi pa raw niya alam ang tungkol dito.

Binalikan ng PEP ang unang source at tinanong namin kung nasabihan na ba sina Carmina at Janice tungkol sa pagbabago sa show.