PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janet Lim-Napoles squeals on Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Bong Revilla

DOJ Secretary Leila De Lima says there's no guarantee that Janet Lim Napoles can turn into a state witness despite the latter's "tell-all."
by Rachelle Siazon
Published Apr 23, 2014
DOJ Secretary Leila De Lima on Janet Lim Napoles's appeal to become a state witness: "We have no commitment na gagawin siyang state witness. Ang commitment namin is that we will evaluate and validate very seriously and exhaustedly para malaman kung pwede siyang maging state witness.”

Isiniwalat na ni Janet Lim-Napoles ang tungkol sa diumano'y pakikipagtransaksiyon niya kina Senators Juan Ponce Enrile, Bong Revilla, at Jinggoy Estrada.

Si Napoles ang itinuturong utak sa likod ng maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel.

Ayon sa ulat ng GMA News Online kahapon, April 22, kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila De Lima na nakipag-meeting siya kay Napoles sa Ospital Ng Makati noong Lunes ng gabi, April 21.

Dito ay ibinunyag ni Napoles ang buong proseso ng pagkuha ng pondo ng mga sangkot na mambabatas mula sa kanilang PDAF papunta sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) na itinayo ng negosyante.

Pahayag ni Secretary De Lima, “She's really the center of it all.

“Alam na alam niya yung mga pangyayari, sino yung mga ka-deal niya, sino yung mga kausap niya, sino yung diretsong inaabutan through conduits, through agents—it's there.”

Nang tanungin kung ibinunyag ni Napoles ang lahat ng nalalaman nito tungkol sa pagkakasangkot nina Senators Enrile, Estrada, at Revilla, kumpiyansang sagot ng DOJ Secretary: “Yes, absolutely.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumagal ang pagpupulong nina De Lima at Napoles ng limang oras—mula 10 p.m. ng April 21 hanggang 3 a.m. ng April 22.

Kasabay nito ay isinumite ni Napoles ang kanyang sinumpaang salaysay, upang tiyaking hawak na ito ng awtoridad.

Ito ay sa kadahilanang marami umanong natatanggap si Napoles na pagbabanta sa kanyang buhay.

Ayon pa kay De Lima, bago siya pumayag na makipagkita kay Napoles ay nilinaw ng DOJ Secretary na kailangang ibunyag ng businesswoman ang lahat ng mga sangkot na mambabatas at iba pang personalidad—kaalyado man ito ng oposisyon o ng administrasyon.

“Tell-all ito. She is coming clean. Walang kulang, walang sobra,” giit ni De Lima.

Naglabas din si Napoles ng mga dokumentong makapagpapatunay na totoo ang mga isiniwalat niya tungkol sa pork barrel scam.

Sabi ni Secretary De Lima ukol dito, “Yes, there are documentary evidence. She showed us some of them. She can produce more.”

Sa dami ng mga detalyeng isiniwalat ni Napoles ay makikipag-meeting muli ang DOJ Secretary sa negosyante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

POSSIBLE STATE WITNESS? Inihayag din ni De Lima ang pagnanais ni Napoles na sumailalim sa Witness Protection Program (WPP) kapalit ng pagsiwalat ng businesswoman tungkol sa PDAF scam.

Ngunit bago pa man personal na nagkaharap ang dalawa ay nilinaw ng DOJ Secretary sa kampo ni Napoles na walang garantiya na kukuning state witness ang negosyante.

Kung anuman daw ang resulta ng pagsisiyasat ng DOJ at NBI ay ihahain ito sa Office of The Ombudsman, at ang huli na ang bahalang magdesisyon kung papayagan bang maging state witness si Napoles.

Kinakailangan ding i-cross check ang mga pahayag ni Napoles base sa naunang pahayag ni Benhur Luy at iba pang whistleblowers.

Paliwanag ni De Lima, “We have no commitment na gagawin siyang state witness.

“Ang commitment namin is that we will evaluate and validate very seriously and exhaustedly para malaman kung puwede siyang maging state witness.”

Pare-parehong nahaharap sa kasong plunder sina Napoles, Senator Enrile, Senator Revilla, Senator Estrada, at iba pang opisyales na sangkot sa PDAF scam.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinasabing tumanggap si Senator Revilla ng P224.5 million, si Senator Enrile ng P172.8 million, at si Senator Estrada ng P183.79 million, bilang kickback diumano mula sa ghost projects ng pekeng NGOs ni Napoles.

Read: Ombudsman recommends filing of plunder charge against Senators Enrile, Revilla, Estrada

NAPOLES FORCED TO SQUEAL? Samantala, kinuwestiyon ni Senator Estrada ang kredibilidad ng sinasabing “tell-all” ni Napoles at ang posibilidad na napilitan lamang ang businesswoman na magsabi ng kasinungalingan.

Sa Senate hearing noong November 7, 2013, matatandaang itinanggi ni Napoles na nakipagsabwatan siya kina Senator Enrile, Senator Revilla, at Senator Estrada kaugnay ng P10 billion-pork barrel scam.

Read: Napoles maintains innocence in PDAF scam; denies allegations of whistleblowers

Saad ni Senator Estrada, “I am concerned kung talagang ipipilit ng DOJ o ng NBI na banggitin ang pangalan namin [nina Senator Revilla at Senator Enrile].

“Kapag in-impose na ng DOJ o tinakot na dahil mabubulok siya sa kulangan, madidiin na kaming tatlo, ibang istorya yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nababahala rin ang kampo ni Senator Revilla, lalo pa’t nauna na umanong ipinahayag ni Napoles na hindi siya kailanman nakipagtransaksiyon sa senador.

“Mrs. Napoles has said that she had no transactions with Senator Bong, thereby she herself confirmed that he had no criminal involvement in the scam.

“If ever she gives statement to the contrary, that would mean that she was forced to do so at the sacrifice of the truth—what with all the cases filed against her and her family and whatever other pressures that have been brought to bear upon her,” saad sa opisyal na pahayag na ipinadala ng kampo ni Senator Revilla sa GMA News.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag si Senator Enrile hinggil sa isyu.

Read Next
Read More Stories About
pork barrel scam
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DOJ Secretary Leila De Lima on Janet Lim Napoles's appeal to become a state witness: "We have no commitment na gagawin siyang state witness. Ang commitment namin is that we will evaluate and validate very seriously and exhaustedly para malaman kung pwede siyang maging state witness.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results