PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lotlot de Leon and Ramon Christopher's marriage declared null and void

Lotlot has mixed emotions about the court's decision.
Published Apr 29, 2008
Although Lotlot de Leon thinks about her children's feelings concerning the decision, it is also good for both her and ex-husband Ramon Christopher. "Makaka-move on na kami pareho," she says.

Nag-text sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Dyesebel cast member na si Lotlot de Leon para ibalitang single na uli siya.

"I'm single!" text pa nito sa PEP.

Noong Huwebes, April 24, bumaba na ang desisyon sa petisyon ni Lotlot para ipawalang-bisa ang kasal nila ng asawang si Ramon Christopher.

Napatunayan ng Quezon City RTC na hindi valid ang kasal nila noong March 27, 1989, na ginanap sa Club Filipino, Greenhills, San Juan. Underage pareho sina Lotlot at Monching noon. Lotlot was only 16, at si Monching naman, 18. Kaya dineklara ng QC RTC na null and void ang kasal ng dalawa.

March last year pa nagsumite si Lotlot ng petisyon for nullity of marriage. Ngayon after almost a year, pareho nang malaya legally sina Lotlot at Monching.

Itinext na tanong ng PEP kay Lotlot kung paano na ang magiging arrangement nila ni Monching pagdating sa kanilang mga anak na sina Janine, Jessica, Diego, at Maxene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ganun pa din. Kay Mon. Palipat-lipat sa amin. Shared custody," text back agad nito.

Sa pamamagitan pa rin ng text, sinabi ni Lotlot na magkahalong emosyon ang nararamdaman niya.

Nalulungkot siya dahil naiisip niya ang nararamdaman ng kanilang mga anak ngayong alam na nilang walang bisa ang kasal ng kanilang mga magulang.

Pero sa kabilang banda, sinabi rin sa amin ni Lotlot na nakahinga rin siya nang maluwag dahil ngayon ay parehong wala nang kumplikasyon sa kanilang dalawa ni Monching.

"Makaka-move on na kaming pareho," ani Lotlot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Although Lotlot de Leon thinks about her children's feelings concerning the decision, it is also good for both her and ex-husband Ramon Christopher. "Makaka-move on na kami pareho," she says.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results