Sobrang kaligayahan ang nadama ng magkasintahang Katrina Halili at Kris Lawrence nang dumating sa buhay nila si Katrence Halili Lawrence Cadevida.
Tumitimbang ng 6.6 pounds, isinilang ni Katrina si Baby Katy via caesarian section sa St. Luke's Medical Center sa Quezon City.
Sa sobrang tuwa nina Katrina at Kris, napagdesisyunan magkaroon agad ng kanilang first ever family photo shoot sa Nice Print Photography & Exige Weddings na ginanap noong October 2 sa bahay mismo nina Kat at Kris sa Quezon City.







