Ipinagdiwang nina Katrina Halili at Kris Lawrence ang unang kaarawan ng anak nilang si Katrence Lawrence Halili Cadevida sa Oasis Manila, New Manila, Quezon City, nung Setyembre 20.
Setyembre 18 ang aktuwal na araw ng kapanganakan ni Katrence o Baby Katy, na iniluwal ni Katrina nung nakaraang taon sa pamamagitan ng Caesarian Section sa St. Luke's Hospital, Quezon City.
Dinaluhan ang party ng mga miyembro ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz.
Bigay, sa kagandahan-loob ng Nice Print Photography & Exige Weddings, ang mga larawan sa gallery na ito.









