Marami ang nagulat sa biglaang pagpanaw ng komedyanteng si Tado kahapon, Pebrero 7.
Sa mahigit 13 years niya sa industriya ng telebisyon, radyo, at pelikula, napasaya niya ang mga tao sa pamamagitan ng kakaiba niyang estilo sa pagpapatawa.
Inaliw rin niya ang publiko sa kanyang hipster o anti-cool na lifestyle sa likod ng camera.
Balikan ang ilan sa mga nakakatawa at nakakatuwang sandali sa buhay ng 39-year-old comedian, writer, entrepreneur, activist, husband, and father.









